Jubilee churches, binuksan ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,084 total reads

Binuksan ng Diocese of Antipolo ang mga Jubilee Churches bilang ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileyo sa ika – 400 anibersaryo ng pagdating ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje at ng kanyang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ito ay hindi lamang paglalakbay sa mga banal na lugar kundi isang mas malalim na panawagan ng pananampalataya at misyon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo na ang hubileyo ay paalala sa pagkakakilanlan ng Simbahan bilang sambayanang sama-samang naglalakbay at nakikibahagi sa mga gawain ni Hesus sa sanlibutan.

“As the Diocese of Antipolo opens the doors of its Jubilee Churches, we enter not only a year of celebration but a year of grace; one that draws us back into the heart of our history, our identity, and our mission as a pilgrim people… We are a pilgrim Church, yes, but we are also a missionary Church,” pahayag ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng obispo na ang pagbubukas ng anim na Jubilee Churches mula sa hilaga, timog, silangan at kanluran ng lalawigan ng Rizal ay sagisag ng nagkakaisang Simbahang naglalakbay bilang iisang pamilya ng Diyos.

Aniya, ang mga simbahang ito ay nagsisilbing mga “beacon of faith” at patunay ng patuloy na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan.

“As pilgrims set foot in these sacred places, they will encounter not only the beauty of architecture or the richness of tradition, but the living presence of Christ in His people… This Jubilee is not simply about travelling from one church to another. It is about journeying inward, allowing God to renew our hearts,” ani ng obispo.

Iniuugnay ni Bishop Santos ang diwa ng hubileyo sa karanasan ng mga alagad sa gitna ng bagyo, kung saan ang presensya ni Hesus ang nagdulot ng kapayapaan.

“For us, peace comes when we allow Him to step into our lives,” dagdag pa ng obispo.

Tinukoy ng obispo na ang pagdiriwang sa mahigit 400 taong kasaysayan ng debosyon sa Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje na patuloy gumagabay sa mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng buhay.

“For four centuries, the beloved image of Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje has journeyed with our ancestors—across oceans, through storms, amid uncertainties,” dagdag ni Bishop Santos.
Hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na gamiting pagkakataon ang hubileyo upang isabuhay ang pananampalataya sa konkretong paglilingkod sa kapwa.

Iginiit ni Bishop Santos na bukod sa makainang proteksyon ng Mahal na Birhen ng Antipolo ay nananawagan din itong dalhin ang Mabuting Balita sa mga pamilya, pamayanan, mahihirap, kabataan at matatanda.

“This Jubilee is also a call to mission. The Blessed Mother does not simply protect us; she sends us. Just as she accompanied the galleons to new lands, she accompanies us as we bring the Gospel to our families, our workplaces, our barangays, the poor and forgotten, the young searching for meaning, and the elderly longing for consolation,” diin ni Bishop Santos.

Dalangin ni Bishop Santos ang pagkakaisa ng buong diyosesis, lalo na sa pagtatagpo ng mga peregrino mula sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Nawa’y sa paglalakbay na ito ay muling matutuklasan ng mga mananampalataya na sila ay iisang katawan kay Kristo, tinipon ng Mahal na Ina tungo sa kapayapaan, kagalingan, at panibagong pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 42,019 total reads

 42,019 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 127,383 total reads

 127,383 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 174,120 total reads

 174,120 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 221,992 total reads

 221,992 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,015 total reads

 324,015 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top