Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo, itinalagang Minor Basilica ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 3,486 total views

Inaprubahan na ni Pope Leo XIV ang kahilingan ng Archdiocesan Shrine of Santo Niño sa Tondo, Manila na maitaas ito bilang isang minor basilica.

Kinumpirma ng dambana na inilabas ng Vatican ang decree noong November 9, 2025, kasabay ng Kapistahan ng Dedication of the Lateran Basilica sa Roma.

Sa pag-aproba ng Vatican, ang Sto. Niño de Tondo ang magiging ikaanim na minor basilica sa Archdiocese of Manila, kasunod ng maringal na deklarasyon ng Basilica Minore de Nuestra Señora del Pilar o Sta. Cruz Church noong November 21.

Isa sa pinakamatandang parokya sa Maynila, ang Sto. Niño de Tondo ay itinatag ng mga misyonerong Agustino noong 1572. Dito rin dinala ang isang mahalagang imahen ng Santo Niño na naging sentro ng debosyon ng mga mananampalataya at patuloy na pinagbubuklod ang komunidad sa paglipas ng mga siglo.

Sa panahon ng mga Espanyol, nagsilbi ang simbahan bilang mahalagang pook ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Tondo at mga karatig-barangay.

Bagama’t ilang ulit napinsala dahil sa mga digmaan, sunog, at lindol, nananatiling matatag ang debosyon ng mga taga-Tondo. Ang kasalukuyang istruktura, na itinayo noong 1734, ay patuloy na pinangangalagaan bilang makasaysayan at espiritwal na pamana.

Dahil sa malawak at masiglang debosyon, idineklara ito bilang Archdiocesan Shrine, isang pagkilalang nagtatampok sa natatangi nitong papel sa pananampalatayang Katoliko sa lungsod.

Sa Archdiocese of Manila, ilan pang minor basilica ang Manila Cathedral, Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), San Sebastian Church, at ang Minor Basilica and National Shrine of San Lorenzo Ruiz (Binondo Church).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 43,712 total views

 43,712 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 108,840 total views

 108,840 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 69,460 total views

 69,460 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 131,265 total views

 131,265 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 151,222 total views

 151,222 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Norman Dequia

“Ikulong na ang korap!”

 4,933 total views

 4,933 total views Ito ang matapang na panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pakikiisa ng arkidiyosesis sa Trillion Peso March sa November 30. Ayon sa

Read More »

RELATED ARTICLES

“Ikulong na ang korap!”

 4,934 total views

 4,934 total views Ito ang matapang na panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pakikiisa ng arkidiyosesis sa Trillion Peso March sa November 30. Ayon sa

Read More »
Scroll to Top