Archdiocese of Cebu, nakikiisa sa Day of mourning sa mga nasawi sa Binaliw landfill tragedy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 83,924 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Arkidiyosesis ng Cebu sa pamahalaang lungsod ng Cebu sa pagdedeklara ng January 16, 2026 bilang “Day of Mourning” para sa mga biktima ng trahedyang naganap sa Binaliw landfill.

Ayon kay Cebu Archbishop Alberto Uy, mahalagang ipagdasal ang lahat ng mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay na dumaranas ng patuloy na pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.

Bilang pakikiisa at panalangin, hiniling ng Arsobispo sa lahat ng parokya sa Arkidiyosesis ng Cebu na ialay ang lahat ng Banal na Misa sa itinakdang araw sa ika-16 ng Enero, 2026 para sa mga nasawi, gayundin para sa kanilang mga naulila at mahal sa buhay.

“The Archdiocese of Cebu joins the Cebu City Government in declaring January 16 as a “Day of Mourning” for the victims of the Binaliw landfill tragedy… We ask all parishes in the Archdiocese to offer all Masses on this day for the victims of the tragedy and for their grieving families and loved ones. May the Lord grant eternal rest to those who have died and comfort to those who mourn.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Uy.

Nanawagan din ang Arkidiyosesis ng Cebu ng patuloy na panalangin, pakikiisa, at malasakit para sa mga pamilyang apektado ng trahedya, habang patuloy ang paghahanap sa mga nawawala at ang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng naganap na trahedya.

Sa kasalukuyan umabot na sa 13 ang kumpirmadong nasawi, habang mahigit pa sa 20 katao ang patuloy pang hinahanap.
Una ng nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa si Archbishop Uy para sa mga biktima ng landslide sa Prime Waste Solutions Cebu Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City na naganap noong ika-8 ng Enero, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,469 total reads

 45,469 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,834 total reads

 130,834 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,570 total reads

 177,570 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,442 total reads

 225,442 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,288 total reads

 327,288 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top