Archdiocese of Manila, magpapatupad ng 2-linggong lockdown

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

August 2, 2020, 9:30AM

Nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Archdiocese of Manila sa panawagan ng mga medical frontliner na muling magpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng 2 linggo upang magkaroon ng pagkakataon na makapagpahinga mula sa patuloy na pagdami ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

Bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliner, ipinag-utos ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang muling pagsunod ng lahat ng mga Simbahan at Dambana sa arkidiyosesis sa mga panuntunan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa Obispo, sa loob ng dalawang linggo mula ika-3 hanggang ika-14 ng Agosto ay pansamantalang muling ititinigil ang pagsasagawa ng mga pampublikong Banal na Misa at iba pang religious activities sa mga Simbahan sa arkidiyosesis.

Maari namang mapapanood at maririnig ang mga religious activities sa pamamagitan ng live streaming at online masses.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, gagamitin din itong pagkakataon ng arkidiyosesis upang suriin ang naging pagtugon ng Simbahan sa krisis na dulot ng COVID-19 at kung papaano ito higit na paiigtingin upang makapagpaabot ng tulong sa lahat ng mga naapektuhan ng pandemya.

“As a response to the call of our medical people, all the churches and shrines in the Archdiocese of Manila will revert to the period of the ECQ protocols. We will not hold public religious activities from August 3 to August 14 but we continue our online religious activities. We will also use this time to evaluate our church response to the pandemic and see how we can improve them.” bahagi ng Pastoral Instruction ni Bishop Pabillo sa panawagan ng mga Medical frontliner.

Ipinaliwanag ng Obispo na nauunawaan ng Simbahan ang dahilan ng mga medical frontliner sa pananawagan ng muling pagpapatupad ng ECQ partikular na sa Greater Manila Area hindi lamang upang magkaroon ng pagkakataon na makapagpahinga na lubos nilang kinakailangan kundi upang masuri din ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay maaring senyales na hindi epektibo ang paraan ng pagtugon sa nakahahawa at nakamamatay na sakit bagamat mahigit apat na buwan at kalahati nang nagpapatupad ng community quarantine ang pamahalaan.

“We understand that they call for this not only for their own respite, though they truly need one. They call for a period of time to reassess the response that we as a country have to this pandemic. It seems that the current responses are not working because the cases are rising after four months and a half of quarantine. So all the stakeholders really need this time to come together to evaluate and improve our approaches to fight this pandemic.” Dagdag pa ng Obispo

Read: https://www.veritas846.ph/pastoral-instruction-we-hear-the-call/

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 98,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,123 total reads

 33,123 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,759 total reads

 69,759 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,970 total reads

 87,970 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,298 total reads

 172,298 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,174 total reads

 208,174 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,235 total reads

 38,235 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top