Archdiocese of Ozamis, nakaalalay sa mga naapektuhan ng baha sa Misamis Occidental

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,742 total views

Patuloy ang pagtulong ng social arm ng Archdiocese of Ozamis sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-uulang dulot ng low pressure area at shearline sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Batay sa ulat ng NASSA/Caritas Philippines, patuloy na tinutugunan ng Caritas Ozamis ang pangangailangan ng mga nagsilikas na pamilya sa pamamagitan ng hot meals, food items, at non-food items tulad ng mga damit at iba pang pangangailangan.

Binuksan din ng Archdiocese of Ozamis ang mga parokya upang magsilbing evacuation centers ng halos 1,800 pamilya o higit sa 7,500 indibidwal partikular na sa lalawigan ng Misamis Occidental.

Batay sa huling ulat ng Misamis Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa higit 10-libong pamilya o 42,600 indibidwal ang biktima ng kalamidad.

Naiulat din na 32 katao na ang nasawi habang walo naman ang patuloy na pinaghahanap.

Nangako naman ang Caritas Ozamis na patuloy na makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para sa rapid assessment upang matiyak ang kalagayan ng lahat ng biktima ng sakuna.

Nauna nang nanawagan ng pananalangin at pagtulong si Ozamis Archbishop Martin Jumoad para sa mga biktima ng kalamidad sa Northern Mindanao maging sa mga karatig na lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 23,048 total views

 23,048 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 58,838 total views

 58,838 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 100,730 total views

 100,730 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 154,116 total views

 154,116 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 179,422 total views

 179,422 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top