Arrest warrant laban kay Zaldy Co at 17 sangkot sa flood control mess, inilabas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,154 total reads

Naglabas na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay dating Ako Bicol Representative Zaldy Co at 17 pang indibidwal na sangkot sa mga iregularidad sa ilang flood control projects ng pamahalaan.

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat sa isang post sa social media.

Ayon sa Pangulo, ang mga inisyung warrant ay tumutukoy sa mga kasong may kaugnayan sa mga anomalya sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation.

“May warrant of arrest na laban kay Zaldy Co at 17 iba pa mula sa DPWH at Sunwest Corporation,” ayon kay Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, “Kaya’t sa ating law enforcement agencies, huwag na nating patagalin pa. Arestuhin na ninyo sila. Siguraduhin maisagawa ito nang mabilis at tama. Gumugulong na ang hustisya,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inatasan din ng Pangulo ang mga law enforcement agencies na agad ipatupad ang pag-aresto.

Sinabi niya na hindi dapat patagalin at dapat tiyakin na maisasagawa ito nang mabilis, maayos, at naaayon sa batas.

Samantala, nanindigan naman si dating Speaker Martin Romualdez na handa siyang humarap sa mga imbestigasyon at malinis ang kaniyang konsensya matapos isumite ng DPWH at ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang joint referral report sa Office of the Ombudsman.

Giit ni Romualdez, walang anumang matibay na katunayan na nag-uugnay sa kanya sa kahit anong iregularidad, kabilang na ang kamakailang pahayag sa social media video post ni Co.

“I willingly submitted myself to the ICI’s fact-finding process, appeared voluntarily, and remained in the country. Throughout all these proceedings, no sworn or credible evidence has ever linked me to any irregularity, and again, my conscience remains clear,” ayon sa pahayag na binasa ni Atty. Ade Fajardo ang lawyer at spokesperson ni Romualdez.

Tiwala din si Romualdez, sa susunod na hakbang ng proseso.

Giit ng dating speaker nasa Ombudsman na ang usapin at naniniwala siyag magiging patas ang pagsusuri sa mga dokumento at rekord upang lumabas ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 39,659 total reads

 39,659 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 73,838 total reads

 73,838 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 130,244 total reads

 130,244 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 251,859 total reads

 251,859 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 25,822 total reads

 25,822 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 25,247 total reads

 25,247 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top