Ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga sa kalikasan, hamon ng Obispo sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,615 total views

Nanawagan si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya at pamayanan na muling ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga ng kalikasan, kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation 2025.

Sa kanyang pastoral statement, binigyang-diin ng obispo na dapat ilagay sa wastong pagkakasunod-sunod ang pinahahalagahan ng tao–una, ang pangangalaga sa daigdig, ikalawa, ang lipunan, at pangatlo lamang ang ekonomiya.

Binatikos ni Bishop Varquez ang labis na pagpapahalaga sa ekonomiya na nagiging sanhi ng pagsasantabi sa karapatan ng kalikasan at mga apektadong pamayanan, bagay na humahantong sa matindin pinsala sa kapaligiran at lipunan.

“Let us wake up to the truth that the wrong prioritizing of the economy has led to the degradation, even destruction of much of the earth’s resources. It has also divided peoples and nations into rich and poor. It has consequently deeply wounded the harmony between creation and humankind and between nations themselves,” pahayag ni Bishop Varquez.

Bilang halimbawa, ibinahagi ng obispo ang karanasan ni retired astronaut Ronald John Garan, na namangha sa kagandahan ng daigdig mula sa kalawakan dahil sa kawalan ng hangganan at pagkakahati-hati.

Ngunit, nang bumalik ito sa lupa, agad nasaksihan ni Garan ang muling pagkakahati ng mundo dahil sa pulitika, kapangyarihan, at maling pagpapahalaga na inuuna ang ekonomiya higit sa lahat.

“Nations are in conflict basically because the order or hierarchy of priorities at work is wrong. Mankind at present ranks the economy as first in the order of priorities. This is wrong because it puts our planet in danger due to the insatiable human greed that also victimizes the poor,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaugnay nito, ipinaalala rin ni Bishop Varquez ang mga aral ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, na nagpapaalala na ang mundo ay nag-iisang tahanang dapat pangalagaan laban sa banta ng konsumerismo at mapaminsalang pag-unlad.

Hinikayat ng obispo ang lahat na gisingin ang kamalayan, ituwid ang maling pananaw, at manalangin upang maisabuhay ang kalooban ng Diyos sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman.

“The Creator of the universe handed to humans the earth to cultivate and preserve (Gen 2:15), not to abuse or destroy. From time to time he commands that the land itself be given rest and not abused (Lev 25:1-7),” saad ni Bishop Varquez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 36,713 total views

 36,713 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 121,472 total views

 121,472 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,931 total views

 138,931 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 183,627 total views

 183,627 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 1,625 total views

 1,625 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top