Babala ng CHR:‘Victim blaming’ hindi saklaw ng karapatan sa pamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 790 total reads

June 25, 2020-12:42pm

Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa paglaganap ng victim blaming sa usapin ng karahasan na dinadanas ng mga kababaihan sa lipunan.

Ayon kay CHR Commissioner Karen S. Gomez-Dumpit, nakaaalarma na sa kabila ng pagkakaroon ng mga batas na nagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon at karahasan laban mga babae, online man o offline ay patuloy ang victim blaming na ang karamihan ay isinisisi pa sa pananamit, pag-asta at pagpresenta ng sarili ng mga kababaihan ang kanilang sinapit na karasahan.

“Nakababahala at nakaaalarma na bagama’t tayo ay may mga batas na nagbabawal sa anumang uri ng diskriminasyon at karahasan laban sa mga kababaihan, maging online o offline, laganap pa rin ito,” ang bahagi ng pahayag ni Dumpit.

Paliwanag ni Dumpit, hindi saklaw ng karapatan sa malayang pagpapahayag ang mga komentaryong nagpapalaganap ng victim blaming, misogynistic remarks at iba pang uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan biktima ng karahasan.

“Pinaaalalahanan ng komisyon ang lahat na ang pagpo-post ng misogynistic remarks at mga komentaryong naghihikayat ng victim blaming at iba pang uri ng karahasan laban sa kababaihan ay labag sa batas. Hindi ito saklaw ng karapatan ng malayang pagpapahayag,” paalala pa ng opisyal ng CHR.

Giit ni Dumpit, ang paglaganap ng ganitong uri ng ideolohiya laban sa mga kababaihan ay nangangahuluhan ng paglabag sa batas at pagkukulang sa panig ng pamahalaan at cybercrime units na tugunan at papanagutin ang mga sumusuporta sa victim blaming lalo na sa social media.

“Pinaaalalahanan din ang ating mga law enforcement agencies, lalo na ang mga cybercrime units, na tugunan ang karahasang laganap ngayon sa social media. Ito ay bahagi ng trabaho ng kapulisan na kaugnay sa pagsupil ng karahasan laban sa kababaihan,” dagdag pa ni Dumpit.

Sa Encyclical ni Pope John the 23rd noong 1961 na Mater Et Magistra on Christianity and Social Progress, bahagi ng tungkulin ng estado ang protektahan ang kapakanan at karapatan ng lahat ng mamamayan lalu na ang mahihinang kasapi kabilang na ang mahihirap, kababaihan, matatanda at mga bata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 63,803 total reads

 63,803 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 159,729 total reads

 159,729 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 203,997 total reads

 203,997 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 227,106 total reads

 227,106 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 299,454 total reads

 299,454 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top