Bagong Obispo ng Diocese of Virac, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,949 total reads

Hiniling ni Virac Bishop Luisito Occiano ang patuloy na panalangin kasabay ng pagsisimula ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Virac, lalawigan ng Catanduanes.

Ito ang kahilingan ng obispo makaraang mailuklok sa cathedra ng diyosesis sa Immaculate Conception Cathedral and Parish sa Virac nitong June 26, 2024.

Sinabi ni Bishop Occiano na mahalaga ang mga panalangin para maging matagumpay ang kanyang pagpapastol at maisabuhay ang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ o ‘To Proclaim the Good News with Joy’.

“As I embark on this new journey as shepherd of the Diocese of Virac, I am committed to fostering a spiritual life. Pray for me as I proclaim the good news of Christ to this happy island of Catanduanes,” pahayag ni Bishop Occiano sa Radio Veritas.

Labis din ang pasasalamat ng obispo sa mamamayan ng Catanduanes sa mainit na pagtanggap bilang pastol sa mahigit 300-libong mananampalataya sa buong lalawigan.

“I must express my deep appreciation for the welcome. I have received your kindness and hospitality had made me feel immediate at home and I am very eager to begin this journey with you,” dagdag pa ni Bishop Occiano.

Aminado si Bishop Occiano na may kaakibat na pangamba ang tatahaking bagong misyon ay ipinagkatiwala nito sa Panginoon ang kanyang tungkulin sa tulong at paggabay ng Mahal na Birheng Maria.

Tiniyak ng obispo ang pakikilakbay sa nasasakupang kawan at pakikinig sa kanilang pangangailangan lalo na ang paghuhubog sa espiritwal na aspeto.

Pinasalamatan din ni Bishop Occiano si Bishop Emeritus Manolo delos Santos sa tatlong dekadang paninilbihan sa diyosesis na nagpapalago sa kritiyanong pamayanan kung saan bukod sa mahigit 50 mga parokya ay nagtayo rin ito ng mga mission stations.

Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagluklok kay Bishop Occiano kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na sinaksihan ng daan daang mananampalataya, mga obispo ng Bicolandia at Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Magiging katuwang ni Bishop Occiano sa pagpapastol sa diyosesis ang mahigit 70 mga pari gayundin ang mga misyonerong religious men and women sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 28,854 total reads

 28,854 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,425 total reads

 51,425 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 87,925 total reads

 87,925 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,550 total reads

 308,550 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,502 total reads

 341,502 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top