Bagong Papal Chaplains, hinamong paigtingin ang paglilingkod sa kawan ng Dios.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,445 total views

Hinimok ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga bagong Papal Chaplains ng diyosesis na mas paigtingin ang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Sa ginanap na Solemn Investiture sa anim na bagong monsignori pinaalalahanan ng obispo na hindi ito pangkaraniwang parangal at pagkilala ng simbahan kundi ito ay tawag ng mas malawak na pagmimisyon.

“Hindi ito titulo ninyo, ito rin ang pasanin ng anim na paring pinararangalan ngayon malamang kayo’y nanliliit sa karangalang iginagawad sa inyo ngayon, nararapat lang, ngunit nawa’y ang inyong panliliit ay gawin ninyong dahilan upang pag ibayuhin ang inyong paglilingkod,” bahagi ng mensahe ni Bishop Villarojo.

Isinagawa ang paggawad ng ‘biretta’ sa anim na monsginor ng diyosesis sa Immaculate Conception Parish Cathedral and Minor Basilica sa Malolos City sa misang pinangunahan ni Bishop Villarojo kasama si Iba Bishop Bartolome Santos.

Kabilang sa bagong Cappelani Di Sua Santita sina Msgr. Dario Cabral, Msgr. Domingo Salonga, Msgr. Narciso Sampana, Msgr. Leocadio De Jesus, Msgr. Florentino Concepcio, at Msgr. Javer Joaquin.
Paalala ni Bishop Villarojo sa mga monsignor “Bawat pagkakataong may tatawag sa inyo na Monsignor iwaksi ang pag-iisip na kayo ang Panginoon, nakakahiya, bagkus kilalanin ninyo ang Diyos na tumatawag sa inyo at tumugon kayo sa inyong mga puso.”

Ito ay pagkilala ng santo papa na iginagawad sa mga diyosesanong pari na nagpapakita ng ‘exceptional service’ at paninindigan sa simbahan.

Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas kay Msgr. Domingo Salonga sinabi nitong ang pagkatalagang prinsepe ng simbahan ay may kaakibat na malaking responsibilidad na gagampanan.
“Ang pagkahirang sakin bilang Papal Chaplain ni Pope Francis ay isang tawag sa mas malalim na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, nawa’y ito ay maging daan ng biyaya hindi lamang para sa aking sarili ngunit sa buong sambayanan,” ayon kay Msgr. Salonga.

Binigyang diin nitong ang karangalang kanilang tinanggap bilang mga mosignor ng simbahan ay nararapat na ibahagi sa kapwa lalo na sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mamamayan upang higit na maging mabungang kasapi ng kristiyanong pamayanan.

Isinagawa ang Solemn Investiture nitong March 11 kasabay ng ika – 63 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Malolos ang isa sa pinakamalaking diyosesis sa bansa na may humigit kumulang apat na milyong katoliko na binubuo ng lalawigan ng Bulacan at Valenzuela City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,210 total views

 14,210 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,224 total views

 64,224 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 60,093 total views

 60,093 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,260 total views

 96,260 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,338 total views

 104,338 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top