Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Baka may mas epektibong paraan?

SHARE THE TRUTH

 327 total views

Mga Kapanalig, mukhang dadalhin ni bagong DSWD Secretary Erwin Tulfo ang kanyang pagiging “action man” sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya, partikular na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa isang panayam, nagbabala si Secretary Tulfo na kakasuhan niya ang mga benepisyaryong ginagamit ang natatanggap nilang tulong-pinansyal sa ibang bagay katulad ng mga bisyo. Sasampahan din daw ng kaso ang mga isinasangla ang kanilang cash cards para makautang. Ang mga benepisyaryong ang mga anak ay nagtapos na ng pag-aaral ay dapat isauli ang kanilang cash cards, dahil kung hindi, mahaharap sila sa kasong estafa.

Ngunit ang pagsasampa ng kaso ba ang akmang solusyon sa sinasabing pagkakawaldas ng pera ng 4Ps? Sa naturang interview, wala rin namang ipinakitang datos ang bagong kalihim upang masabi kung gaano kalaganap ang problema ng paggamit ng cash aid sa ibang bagay o ng pagsasangla ng cash card ng mga nagigipit na benepisyaryo.

Ang conditional cash transfer ay isang estratehiyang ginagawa rin sa ibang bansa upang tulungan ang mga mahihirap na pamilya. Marami ang nagsasabing dole out ang programang ito at tinuturuan lamang ang mga benepisyaryo na umasa sa gobyerno. Ngunit balikan natin ang salitang “conditional”; ibig sabihin, may mga kondisyones ang pagtanggap ng pera ng mga pamilyang kabilang sa 4Ps.

May dalawang grants na ibinibigay sa mga pamilya. Una ay ang health grant na nagkakahalaga ng ₱500. Dapat itong ilaan sa pagkain, nutrisyon, pagpapa-check-up, at pagpapabakuna ng mga batang limang taong gulang pababa. Gagamitin din ito ng mga nanay na buntis. Upang matanggap ito, ang benepisyaryong buntis ay dapat nagpapa-check-up, habang ang mga bata ay nagpapabakuna at nabibigyan ng deworming pills. Ang pangalawang grant naman ay para sa edukasyon ng mga batang tatlo hanggang 18 taong gulang. Bawat bata ay pinaglalaanan ng ₱300 hanggang ₱500 kada buwan sa loob ng sampung buwan. Sa pagtanggap ng education grant, kailangang tiyaking hindi bababa sa 85% ang class attendance ng kanilang mga anak na nag-aaral. Ang mga magulang naman ay required na dumalo sa mga Family Development Sessions.

Kung dole out ang Pantawid Pamilya, walang mga ganitong kondisyones. Pero dahil sa mga kondisyones na ito, natutugunan ng programa ang tinatawag na “intergenerational cycle of poverty” dahil natutulungan nito ang mga mahihirap na mapag-aral ang mga bata at matutukan ang kalusugan ng mga buntis at kanilang mga anak. Hindi bababa sa limang milyong pamilya ang naging bahagi ng 4Ps mula nang magsimula ito noong 2008, at daanlibo na rin ang nakatapos ng programa dahil sila ay naging self-sufficient na; ibig sabihin, may sapat nang kita ang pamilya upang tustusan ang kanilang mga pangangailangan nang magsipag-gradweyt na ang kanilang mga anak Dahil napatunayang epektibo ang estratehiyang ito, ipinasa ng administrasyong Duterte ang Republic Act No. 11310 o ang 4Ps Act na ginagawang regular na programa ng gobyerno ang Pantawid Pamilya.

Maaaring may mga nakalulusot sa mga benepisyaryo, pero hindi kaya sa halip na kasuhan sila, kailangan lang ayusin ng DSWD ang pagmo-monitor nito? Makatutulong din kung aalamin ang puno’t dulo kung bakit may mga benepisyaryong nagagamit ang kanilang cash aid sa ibang bagay. Baka may ibang tulong na mas akma sa kanila katulad ng pagbibigay ng trabaho at pautang na mabilis at walang interes?

Mga Kapanalig, gaya ng paalala sa Deuteronomio 15:11, ibukas sana ng pamahalaan ang palad nito sa mga kababayan nating nangangailangan. Sabi nga ni Pope Francis, sa pakikinig, pag-unawa, at pagtanggap sa mahihirap, natutuklasan natin si Hesus hindi lamang dahil kumikiling Siya sa kanila kundi dahil nakikibahagi siya sa kanilang kalagayan.[3] Tama ang maging masinop sa paggamit ng pondo ng bayan, pero hindi naman ito dapat magdulot ng lalo pang ikalulubog sa buhay ng mga dapat abutin at alalayan ng gobyerno.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 15,979 total views

 15,979 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,460 total views

 23,460 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 36,600 total views

 36,600 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 42,573 total views

 42,573 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 48,327 total views

 48,327 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 15,980 total views

 15,980 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,461 total views

 23,461 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 36,601 total views

 36,601 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 42,574 total views

 42,574 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 48,328 total views

 48,328 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,249 total views

 41,249 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,333 total views

 42,333 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 37,714 total views

 37,714 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 49,718 total views

 49,718 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,760 total views

 57,760 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,317 total views

 49,317 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,742 total views

 47,742 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 49,528 total views

 49,528 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 46,453 total views

 46,453 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,767 total views

 60,767 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top