VeritasPH

The Word, The Truth

Banta sa katotohanan at malayang pamamahayag

SHARE THE TRUTH

 347 total views

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng administrasyong Duterte at pagsisimula ng pamumuno ni Presidente Marcos, Jr., nananatili ang mga banta sa malayang pamamahayag. Ilang araw bago bumaba sa puwesto, lantarang sinabi ng dating pangulo sa isang talumpati na ginamit niya ang kanyang presidential powers upang tuluyang ipasara ang ABS-CBN. Dalawang araw matapos ang naturang pahayag, naglabas naman ng utos ang Securities and Exchange Commission (o SEC) ukol sa dati nitong desisyon na bawiin ang certificates of incorporation ng online media outlet na Rappler.

Ano kaya ang magiging aksyon ng bagong administrasyon sa mga hamong ito sa malayang pamamahayag o freedom of the press?

Matatandaang noong Mayo 2020 nang tuluyang mag-off air ang ABS-CBN matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (o NTC). Sa gitna ng pandemya at kawalang katiyakang dala ng malawakang lockdown sa buong bansa, hindi rin binigyan ng bagong prangkisa ang istasyon. Nagdulot ito ng pagkawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa roon. Sabi ng dating pangulo, hindi raw kasi nagbabayad ng wastong buwis ang istasyon. Pero kahit pa paulit-ulit na sinasabi ng SEC at Bureau of Internal Revenue (o BIR) na walang paglabag ang ABS-CBN sa mga batas at nagbabayad ito ng wastong buwis, hindi pa rin naibabalik ang prankisa ng istasyon. Maliban sa pagkawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa ng ABS-CBN, nakita rin ang kawalan ng maasahan at accessible na impormasyon (o information gap) sa mga probinsya at mga lugar na mahirap marating tuwing panahon ng sakuna, halimbawa na lamang ay noong nanalasa ang Bagyong Rolly.

Taong 2018 naman nang maunang bawiin ng SEC ang lisensya ng Rappler na mag-operate sa ating bansa. Ayon sa komisyon, hindi raw kasi 100% na pag-aari ng mga Pilipino ang kompanya. Dahil dito, lumabag daw ang Rappler sa ating Saligang Batas dahil sa pagkakaroon ng mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit ayon sa Court of Appeals (o CA), dapat raw muling aralin ng SEC ang naging desisyon nito matapos tuluyang bumitaw sa Rappler ang mga dayuhang investors nito. Noong 2019, pinagtibay ng CA ang desisyon nito, at sa mata ng Supreme Court ay sarado na ang kasong ito. Maliban sa utos ng SEC na tanggalin ang lisensya ng Rappler, nariyan din ang ilang kaso ng libel sa founder nito at 2021 Nobel Peace Prize laureate na si Maria Ressa. Kinilala siya dahil sa kanyang matapang na paglaban sa disinformation at pagtataguyod sa malayang pamamahayag sa gitna ng hindi pagsuporta ng nakaraang administrasyon sa mga human rights defenders.

Sa World Press Freedom Index, nasa ika-147 ang Pilipinas sa 180 na bansa batay sa limang aspeto ng malayang pamamahayag. Ibig sabihin, hindi lamang mga kritiko ng pangulo ang nagsasabing mayroong banta sa media. Sa isang demokrasyang katulad natin, mahalaga ang papel ng media sa pagbibigay ng impormasyong nakabatay sa katotohanan at hindi sa sabi-sabi lamang. Kaya naman, hindi dapat ituring na kaaway ng pamahalaan ang media na naglalantad ng kung ano ang totoong nangyayari. Katulad nga ng ipinahihiwatig sa Galacia 4:16, ituturing bang kaaway ang isang taong sinasabi ang katotohanan? Ngayong bago na ang pangulo ng ating bansa, ano kaya ang gagawin niya upang mapanatili ang malayang pamamahayag?

Mga Kapanalig, sinusuportahan ng ating Santa Iglesia ang papel ng media sa isang demokrasya at kinikilala nitong may karapatan ang mga mamamayan sa diskusyon at malayang pagpapahayag. Sa encyclical ni Pope Leo XIII na Libertas, sinabi niyang binibigyan ng Diyos ang tao ng karapatang mag-isip at magpahayag. Kaya naman hindi dapat itinatago sa mamamayan ang katotohanan. At ito ang malaking papel ng media— ang laging pumanig sa totoo at ang ipagtanggol ito.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 3,065 total views

 3,065 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 8,822 total views

 8,822 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 16,085 total views

 16,085 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 24,070 total views

 24,070 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 31,606 total views

 31,606 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 3,066 total views

 3,066 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 8,823 total views

 8,823 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 16,086 total views

 16,086 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 24,071 total views

 24,071 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 31,607 total views

 31,607 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,729 total views

 46,729 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,771 total views

 54,771 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,328 total views

 46,328 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,753 total views

 44,753 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,539 total views

 46,539 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,464 total views

 43,464 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,778 total views

 57,778 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,468 total views

 61,468 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,071 total views

 60,071 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,058 total views

 70,058 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top