Tugunan ang problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon, apela ng Obispo kay Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 778 total reads

Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tugunan ang ibat-ibang suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon.

Ayon kay Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ito ay ang kakulangan ng silid-aralan, mababang kalidad ng edukasyon at pagkakaroon ng karagdagang benepisyo ng mga guro.

Nabatid sa datos ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na umabot sa higit 400-libong mga guro at manggagawa sa mga pribadong paaralan ang naapektuhan ng mahigpit na lockdowns noong 2020.

“Mga hamon na dapat bigyan ng pansin, 1.Kalidad ng edukasyon sa ating mga pampubliko at pangpribado na mga paaralan, 2.Kalidad ng mga guro sa larangan ng kaalaman, kahusayan at dedikasyon sa pagtuturo, 3.Kakulangan ng mga silid paaralan para sa mga mag-aaral, 4.Suporta ng pamahalaan sa mga guro na nasa mga pribadong paaralan na napakalaki ng kontibusyon o tulong sa pagkalinga,paghubog sa mga estudyante,” mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Kasabay nito ay nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) sa Department of Education (DepEd) na tiyakin na maayos ang mga pasilidad sa mga paaralan sa nalalapit na School Year 2022-2023.

Ayon kay Raymond Basilio – Alliance of Concerned Teacher Secretary General, bukod sa mga silid-paaralan, kailangang maayos ang mga palikuran na may hand-washing facilities upang makaiwas sa banta ng virus.

Apela rin ni Basilio na tiyakin ang pagkakaroon ng mga health care workers na mangangalaga sa kalusugan ng estudyante, guro at kawani ng mga paaralan.

Unang inihayag Catholic Educational Association of The Philippines ang kahandaan ng mahigit 1,600 mga kasaping paaralan at institusyon sa panunumbalik ng face-to-face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,557 total reads

 35,557 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,829 total reads

 66,829 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,570 total reads

 144,570 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,798 total reads

 238,798 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,939 total reads

 297,939 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top