Banta sa sanilikha, banta sa tao

SHARE THE TRUTH

 161 total views

Mga Kapanalig, pamilyar na pamilyar tayo sa kuwento ng paglikha ng Diyos sa mundo sa aklat ng Genesis. Nilikha niya ang langit, lupa at dagat, lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga, at lahat ng uri ng hayop sa lupa. Pagkatapos ng mga ito, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan at binigyan ng tungkuling pangasiwaan ang sanilikha—ang sanilikhang lubos niyang kinasiyahan. Ibinigay Niya ang daigdig para sa kapakinabangan nating mga tao dahil sa Kanyang pag-ibig sa atin.

Ngunit alam naman nating lubha nang nasalaula ang biyaya sa atin ng Maykapal, at masasabi nating pagtalikod ito sa pag-ibig Niya sa atin. Nakalulungkot na ang pamahalaang itinatag ng tao upang pangasiwaan at pangalagaan ang likas-yaman ng isang bansa ang siyang nagiging instrumento ng pagkasira ng mga ito.

Nitong Abril, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130 kung saan winakasan niya ang moratorium sa mga bagong mining agreements. Sa pamamagitan daw ng pagpapahintulot sa pagmimina, basta’t naaayon daw sa mga batas katulad ng Philippine Mining Act of 1995, masusuportahan ng industriya ng pagmimina ang iba’t ibang programa ng pamahalaan katulad ng “Build, Build, Build” at “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa.” Madadagdagan daw ng mga proyektong minahan ang kaban ng bayan. Magbibigay daw ang mga ito ng maraming trabaho at magbubukas ng maraming negosyo. Pasisiglahin daw ng pagmimina ang ating ekonomiyang bugbog na ng pandemya. Ayon sa isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR), mayroong isandaang proyekto ng pagmimina na naghihintay na maisyuhan ng kasunduan, at makapagbibigay daw ang mga ito ng 21 bilyong pisong kita para sa pamahalaan. Mapopondohan daw ng mga ito ang maraming gawain upang sugpuin ang pandemya.

 

PSD Toktok

 

Ngunit hindi kaila sa atin ang kinahinatnan maraming minahan sa ating bansa. Sinong makalilimot sa naging epekto sa kapaligiran at komunidad ng Marcopper Mining Corporation sa Marinduque noong dekada ’90? Umagos sa Boac River ang naiwang mine tailings at wastes ng proyekto na nagpalalâ sa mga pagbahang nakaapekto sa daan-daang pamilya, nilason ang tubig na pumatay sa mga isda at ibang yamang-tubig, pumatay sa maraming hayop, at sumira ng mga pananim. Matapos ang trahedyang ito, hindi na napakikinabangan ang ilog.

Gaya ng inaasahan, labis na ikinadismaya ng maraming grupong nagtataguyod ng karangalan ng sanilikha at karapatan ng mga katutubo at maliliit na komunidad ang pinakabagong direktibang ito ng pangulo. Para sa Alyansa Tigil Mina, makasisira sa katubigan, kagubatan, at iba pang nilikha ng Diyos ang muling pagpapahintulot sa mga minahan. Kaisa ang Simbahang Katolika, ani Bishop Jose Collin Bagaforo ng Kidapawan at direktor ng Caritas Pilipinas, sa pagtutol sa hakbang na ito ng pangulo. Pinapaboran daw nito ang interes ng mga negosyante sa pagmimina at hindi ng taumbayan, lalo na ng mga dukha katulad ng mga katutubo. Mas pinili raw ng pamahalaan ang pagpapayaman ng iilan sa halip na tunay na tugunan ang pangangailangan ng mahihirap at pangalagaan ang kapaligiran. Bilang matagal nang naglilingkod sa kanayunan, hindi raw nakita ni Bishop Bagaforo na bumuti ang buhay ng mga tao dahil sa pagmimina. Ipinamamalas ng pagwawakas sa moratorium sa pagmimina ang pagkadesperado ng pamahalaang lutasin ang naging epekto sa ekonomiya ng pandemyang nabigo nitong tugunan sa simula pa lamang.

Mga Kapanalig, alam nating mahalagang may pondong maigugugol sa mahahalagang proyekto ng pamahalaan, ngunit hindi ito makatwirang dahilan kung maisasakripisyo ang kalikasang nagbibigay sa atin ng buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang kalupitan sa bawat nilikha ay salungat sa dignidad ng tao. Babalik sa ating mga tao ang pagsira natin sa kalikasan; ito ang masaklap na natunghayan natin sa maraming minahan sa bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,550 total views

 32,550 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 37,968 total views

 37,968 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 44,675 total views

 44,675 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 59,470 total views

 59,470 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 65,626 total views

 65,626 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,551 total views

 32,551 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 37,969 total views

 37,969 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 44,676 total views

 44,676 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 59,471 total views

 59,471 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 65,627 total views

 65,627 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,408 total views

 40,408 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,992 total views

 50,992 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,209 total views

 59,209 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,442 total views

 43,442 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,418 total views

 49,418 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,511 total views

 52,511 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,216 total views

 42,216 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,104 total views

 43,104 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,407 total views

 58,407 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,816 total views

 70,816 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top