Karangalan sa paggawa, nakabatay sa manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total reads

Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na ang karangalan sa paggawa ay nakabatay sa mga manggagawa.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Palma sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose bilang patron ng mga manggagawa.

Ipinaliwanag ng arsobispo na bilang mga anak ng Diyos ay nararapat na bigyang kahalagahan ang bawat ginagawa at buong pusong ialay sa Panginoon.

“The dignity of work, depends not so much in the work, but in the worker, kay ang nagtatrabaho, anak sa Dios [dahil ang gumagawa ay anak ng Diyos.]” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Una nang binigyang halaga ng simbahan ang kapakanan ng mga manggagawa lalo na sa panahon ng pandemya na marami ang nawalan ng trabaho dahil sa mga limitasyong ipinatupad ng pamahalaan kasabay ng community quarantine.

Sa pinakahuling datos ng Department of Labor and Employment humigit kumulang sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa pag-iral ng pandemya.

Dahil dito umaasa si Archbishop Palma na pahalagahan ng bawat pamilya ang mga kasapi nitong patuloy na naghahanap buhay sa kabila ng krisis na kinakaharap ng lipunan.

“Sana we appreciate the fruits of the work sa mga miyembro ng ating pamilya. Anything we do na sumusuporta sa ating pamilya, makapag-serve sa ating community, makes the world a better place to live in,” ani ng arsobispo.

1955 nang italaga ni Pope Pius XII ang kapistahan ni Saint Joseph the Worker bilang si San Jose ay isang karpintero na buong pusong inihandog sa Panginoon ang bawat paggawa.

Dahil dito pinangangalagaan ng simbahan ang karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Exercens kung saan binigyang diin ng dating Santo Papa na tungkulin ng simbahan na itaguyod ang dignidad at karapatan ng mga manggagawa at tulungang lumago bilang bahagi ng pamayanan.

Taong 1870 naman ng idineklara ni Pope Pius IX si San Jose bilang patron ng universal church.

Kaya’t ngayong taon ay idineklara ni Pope Francis ang Year of St. Joseph para gunitain ang ika – 150 anibersaryo ng pagiging patron ng simbahang katolika.

Nakatakda naman sa Mayo 1 ang National Consecration to Saint Joseph ng mga Pilipino batay na rin sa kautusan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,867 total reads

 93,867 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 171,015 total reads

 171,015 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 204,463 total reads

 204,463 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,762 total reads

 239,762 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,646 total reads

 462,646 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top