VeritasPH

The Word, The Truth

 33,980 total views

Homiliya para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 22 ng Disyembre 2023, Lk 1:46-56

Ang Magnificat ay isang “Awit ng Pagpapala”. Sino ang pinagpapala ni Mama Mary? Ang Panginoon. Teka, di ba baligtad? Di ba dapat Diyos ang nagpapala at tao ang pinagpapala? Kahapon ito ang pahayag ni Elisabet kay Maria: “Bukod kang pinagpala ka sa babaeng lahat…”. Ang Magnificat ay sagot ni Maria sa pagkilala ni Elisabet sa hatid na pagpapala ng kanyang pagdalaw: hindi ako kundi ang Diyos ang dapat pag-ukulan ng blessing. Siya ang tunay na pinagpala, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.

Kaya siguro ang mga Hudyo, sa pagbabasbas ng anumang bagay o tao, ang laging simula ng prayer of blessing ay pagpapala sa Diyos na bukal ng lahat ng biyaya na pinadadaloy niya sa iba sa pamamagitan natin. Sa Hebreo, ganito ang sinasabi nila: “Barukh Attah Adonay Elohenu” (Pagpalain ka O Panginoon naming Diyos). Ang karaniwang opening ng alinmang panalangin ng pagbabasbas o pagpapala sa kahit na ano o sino ay pagkilala muna sa kagandahang loob ng Diyos.

Nasabi ko sa inyo kahapon na mainit na topic ngayon ang salitang BLESSING. Malakas ang negative reaction ng maraming mga kapatid nating Katoliko sa isang “Declaration” mula sa Roma noong nakaraang December 18 tungkol sa Pastoral na Kahulugan ng Blessing. Pwede daw bang “i-bless” ang mga hiwalay sa asawa, diborsiyado o may kinakasamang bakla pag humingi sila nito? Akala nila kasal o sakramento ang tinutukoy na blessing; pakibasa na lang siguro nang mabuti ang nasabing dokumento.

Kung mga alagang aso’t pusa nga, pati sasakyan, mga bolpen at lapis na pang-board exam at mga passport inihihingi natin ng blessing, mga tao pa kaya?

Aaminin ko sa inyo, dahil tao din ako, kung minsan mabigat din ang loob ko na magbigay ng blessing. Halimbawa—kung ang humihingi ng blessing ay isang kumakandidatong pulitiko na may kasama pang taga-media. Nagdududa kasi ako pag ganyan na baka publicity lang talaga ang gusto niya, hindi blessing. Pero nilalabanan ko ang sarili ko. Hindi ko alam ang nasa loob niya, baka sincere naman, sino ako para husgahan siya? Parang duktor din kasi kami. Kahit kalaban hindi mo pwedeng pagkaitan ng kalinga kapag humiling ito.

Kung minsan naman may mga taong umaasta na parang nabibili ang blessing. Sa Bibliya, may kuwento tungkol sa isang mayamang sundalo na nagkasakit na leprosy at inalukan ng ginto at pilak bilang kapalit sa blessing ng propetang si Elisha. (2 Kings 5) Gusto ng sundalo bigyan siya ng importansya at i-pray over siya ng propeta. Bukod sa tinanggihan ng propeta ang alok na ginto at pilak at hindi man lang niya hinarap ang sundalo. Isang instruction lang ang ibinigay ng propeta kung ibig daw ng sundalo na gumaling. Maglublob daw ng pitong beses sa maputik na tubig ng ilog Jordan; iyun na ang blessing. Magwo-walk-out na nga sana ang sundalo. Buti na lang nakinig siya sa batang alipin na nagpayo sa kanya na magpakumbaba at sumunod. Ayun, gumaling.
Talagang di natin alam ang milagrong pwedeng mangyari kahit sa mga arogante at masyadong parang bosing ang dating. Kahit nga ang madaya at mapanlinlang na si Jacob, nakakuha ng blessing sa tatay niyang si Isaac. (Genesis 27) Inagaw niya ang blessing na nakalaan para sa panganay na kapatid niyang si Esau. Aba tinulungan pa siya ng nanay niya para nakawin ang blessing sa kuya niya. (Nananakaw pala ang blessing?)

At meron pa ngang kuwento tungkol sa isang dayuhang propetang si Balaam na kinomisyon ng haring kalaban ng Israel na sumpain ang Israel. Pero imbes na sumpa, pagpapala ang lumalabas na salita sa propeta sa tuwing bubuksan niya ang bibig niya. (Numbers 22)

Sa mga ebanghelyo naman, di ba minsan, humihingi daw ng blessing ang mga nanay para sa mga anak nilang makukulit at sinasaway sila ng mga alagad? Sino ang napagalitan? Hindi ang mga nanay, hindi rin ang mga bata, kundi ang masusungit na alagad. Sabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga batang pinabi-bless ng mga nanay.” (Mark 10:14) Kaya ingat lang sa masusungit; baka mapagalitan ng Panginoon kapag ipinagsungit ang blessing.

Iyung prostitute na naghugas at nagmasahe sa mga paa ni Hesus sa isang kainan—di ba higit pa sa blessing ang nakuha niya kay Hesus? (Luke 7) Pinahagingan pa nga ni Hesus ang Pariseong nanghusga sa babae. Mas matindi daw ang pag-ibig na manggagaling sa taong mas malaki ang kasalanang pinatawad sa kanya. Wow. Oo nga ano, di ba ang basong kulang sa laman—pag mas malaki ang kulang mas malaki ang ipampupuno sa pagkukulang! Big sinners make big lovers.

At iyung babaeng Samaritana (John 4) —lima na daw ang kinasama niyang lalaki at ang pang-anim na ka-live-in niya hindi rin niya asawa. Magandang example ng taong nasa “irregular marital situation.” Siya na nagsungit kay Hesus ng tubig na maiinom, siya pa ang tumanggap ng “buhay na tubig na bumabalong” ng mabuting balita. Sa pamamagitan niya, pinaapaw pa ng Panginoon at pinaagos ang grasya ng mabuting balita sa mga pasaway na Samaritano.

Isa pang halimbawa’y si Zaqueo, ang tax-collector na pandak. (Luke 19) Kulang siya sa sukat, hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa moral. Grabe, ang tindi ng blessing na tinanggap niya matapos na pansinin siya at pababain ni Hesus para makasalo sa hapag-kainan, di ba? Ang taong tiwali at maramot biglang natutong bumitaw at tumalikod sa dating mahigpit niyang kapit sa salapi at natutong magbahagi. Di ba ang tindi ng epekto ng blessing iyon?

Kung nagpadala lang siguro si Jesus angal ng mga Pariseo, baka walang nangyaring pagbabago kay Zaqueo. Si Hesus ay hindi ang tipong magsasabing, “Magbago ka muna kung gusto mong bigyan kita ng blessing.” Binebless muna niya; sumusunod ang pagbabago.

May tatlong examples pa ako: Si Judas Iskariote, ang bandidong katabi ni Hesus sa kalbaryo, at ang babaeng nahuli sa pakikiapid. Si Judas—ang taksil na kaibigan na nagkanulo kay Hesus sa halagang 30 piraso ng pilak. (John 14:30) Taksil, pero binless pa rin siya ni Hesus. Siya ang unang binigyan niya ng kapirasong tinapay sa huling hapunan, bago siya nilamon ng dilim. Ang kriminal naman na kasamang napako rin sa krus sa kalbaryo: ni hindi blessing ang hiniling niya kundi ang maalaala man lang daw siya ni Hesus sa kanyang kaharian. Pero ang tindi ng blessing na tinanggap niya; sinabihan siya ng Panginoon, “Ngayon mismo makakasama mo ako sa paraiso.” (Luke 23:43) Last example, ang babaeng nahuli sa pakikiapid. Sa mga taong nakiisa sa panghuhusga sa babae, at kasamang naghihintay ng hudyat para parusahan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbato, di ba’t sinabi ni Hesus, “Ang walang kasalanan sa inyo ang unang bumato sa babae.” (John 8 ) Sapat na iyon para tumalikod sila at magsi-uwian. May sumikat na kasabihan noon, “Kapag itinuro mo ang hintuturo mo para akusahan ang kapwa, tandaan mo, may tatlong daliring nakaturo sa iyo.”

Kaya magandang paalala ang sabi ng Salmo 130,3-4: “Kung tatandaan mo Panginoon ang lahat ng aming mga pagkakasala, sino ang matitira? ”

Isa sa mga paalala ni Hesus sa mga alagad ay kung ang kaya lang nating mahalin ay ang mababait at karapat-dapat, wala pa daw tayong aasahang gantimpala. Tumulad daw tayo sa mga anak ng Kataas-taasang Diyos na nagpapasikat sa araw sa mabubuti at masasama, at nagpapaulan sa mga matuwid at mga tiwali.” (Matthew 5:45) Sinabi rin niya: Huwag kayong humusga at di kayo mahuhusgahan; huwag kayong humatol at di kayo hahatulan, magpatawad at kayo’y patatawarin, magbigay at kayo’y tatanggap ng siksik, liglig at umaapaw.” (Luke 6:37-38) At pinakamahalaga sa lahat: “Ang panukat ninyo sa kapwa ay ipanunukat din sa inyo.”

Kaya balikan natin ang conclusion kahapon: Mga kapatid, huwag nating ipagkait sa mundong nananabik ang blessing na ito. Ibahagi natin ito sa mundong makasalanan ngunit lubos na minamahal at patuloy niyang tinutubos at pinag-aalayan ng buhay. Ito ang ibig sabihin ng magmisyon—ang maipakilala sa mundo ang kagandahang-loob ng Diyos na inawit ni Maria.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,958 total views

 7,958 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,943 total views

 15,943 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,479 total views

 23,479 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,465 total views

 39,465 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,509 total views

 47,509 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 291 total views

 291 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,047 total views

 3,047 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,462 total views

 7,462 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,788 total views

 2,788 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,311 total views

 3,311 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,810 total views

 4,810 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,654 total views

 5,654 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,909 total views

 3,909 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,122 total views

 8,122 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,355 total views

 7,355 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,565 total views

 11,565 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,013 total views

 5,013 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,017 total views

 5,017 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,017 total views

 5,017 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,009 total views

 5,009 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top