511 total views
Nagpahayag ng suporta ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na isa sa mga mission partner ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa pagsasabatas ng isang mas malinaw at epektibong batas na kikilala at magbibigay ng proteksyon sa mga human rights defenders (HRDs) sa bansa.
Sa pamamagitan ng isang position paper na ipinaabot ng TFDP sa House of Representatives Committee on Human Rights ay binigyang diin ng organisasyon ang kahalagahan ng implementasyon ng mga batas na nagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga human rights defenders (HRDs) sa ilalim ng UN Declaration on Human Rights Defenders.
“The Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), a mission partner of the Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP), respectfully submit this position paper to the House of Representatives Committee on Human Rights to support the enactment of a comprehensive and effective law for the recognition and protection of human rights defenders (HRDs) in the Philippines.” Ang bahagi ng position paper ng (TFDP) na may titulong ‘Legislation Recognizing and Protecting #HumanRights Defenders in the Philippines – An Imperative’.
Ayon sa TFDP, mas higit na kapansin-pansin ang mga batas at pang-aabuso na dinaranas ng mga human rights defenders (HRDs) sa Pilipinas na humahadlang upang magawa ng mga ito ang kanilang tungkulin sa lipunan na isulong ang karapatang pantao ng bawat indibidwal.
Paliwanag ng organisasyon, ang pagsasawalang bahala ng mga otoridad sa mga kaso ng karahasan at pang-aabusong sinasapit ng mga human rights defenders (HRDs) sa bansa ay higit pang nakapagdudulot ng kawalang katarungan at paglapastangan sa kanilang kapakanan.
“Various evidences and documentation show that daunting challenges remain across the country in terms of ensuring that human rights defenders can carry out their peaceful and legitimate activities in a safe and enabling environment without fear of being subjected to acts of intimidation or violence of any sort. The situation underscores the failure of the authorities to conduct prompt and impartial investigations into alleged violations, prosecution of the perpetrators, provision of redress, and enforcement of court decisions. These all lead to further attacks and violations against HRDs.” Dagdag pa ng TFDP.
Kaugnay nito batay sa tala ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) mula lamang noong Enero hanggang Hunyo ng taong 2018 ay umabot sa 26 ang kaso ng pang-aabuso at karahasan laban sa mga human rights defenders (HRDs) sa bansa kabilang na ang pagpaslang sa ilang mga opisyal at miyembro ng iba’t ibang organisasyon at mga katutubo na nagsusulong ng karapatan ng mga maliliit na sektor ng lipunan.




