UST-Legazpi, binalaan ang mamamayan laban sa gumagamit sa pangalan ng Rector sa scam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,208 total reads

Nagbabala ang University of Santo Tomas-Legazpi (UST-Legazpi) sa kanilang komunidad at sa publiko kaugnay ng isang hindi awtorisadong indibidwal na gumagamit sa pangalan at titulo ni Rev. Fr. Edwin A. Lao, O.P., Rector at President ng unibersidad, upang magpadala ng mga email sa mga kawani, alumni, at iba pang stakeholders.

Ayon sa pamunuan ng UST-Legazpi, walang kaugnayan ang naturang mga email sa Office of the Rector and President at hindi rin ito nagmula o awtorisado ng unibersidad.

Dahil dito, hinikayat ng UST-Legazpi ang lahat ng nakatatanggap ng naturang mensahe na huwag itong pansinin o sagutin, at tiyaking ang lahat ng opisyal na komunikasyon ng pamantasan ay nagmumula lamang sa mga opisyal na email account ng unibersidad.

“It has come to our attention that an unauthorized individual is using the name and title of our Rector and President, Rev. Fr. Edwin A. Lao, O.P., to send emails to personnel, alumni, and external stakeholders. Please be advised that these emails did not originate from the Office of the Rector and President, nor are they affiliated with the University of Santo Tomas-Legazpi in any capacity. Kindly disregard such messages, as all official university communications are strictly conducted through our official email accounts.” Bahagi ng pahayag ng UST-Legazpi.

Paalala ng Simbahang Katolika na ang katotohanan at katapatan ay mahalagang pagpapahalaga sa lahat ng uri ng komunikasyon.

Hinihikayat din ang publiko na maging mapanuri sa mga natatanggap na mensahe at iwasan ang pagpapakalat o pagtugon sa mga impormasyon mula sa hindi beripikadong pinagmumulan upang maprotektahan ang sarili at ang kapwa laban sa panlilinlang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 28,281 total reads

 28,281 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 136,326 total reads

 136,326 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 180,996 total reads

 180,996 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 203,202 total reads

 203,202 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 238,882 total reads

 238,882 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top