Katolikong paaralan, hinimok ng Obispo na maging bagong mapa ng pag-asa ng mga mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,213 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz ang mga paaralang Katoliko na maging “bagong mapa ng pag-asa” para sa kabataan sa gitna ng mabilis na pagbabago at mga hamon ng makabagong lipunan.

Sa kanyang pagninilay sa CEAP-NCR General Assembly 2026 na may temang “Transforming Catholic Schools into New Maps of Hope,” pinaalalahanan ng Obispo ang mga katolikong paaralan na magsilbing mapagkakatiwalaang gabay upang matulungan ang mga kabataan na mahanap ang tamang direksyon sa buhay.

Ayon kay Bishop Santos, nangangailangan ang mga kabataan ng tagapagturo na mag-aakay sa kanila hindi lamang sa kaalaman kundi maging sa pagtuklas ng layunin at panawagan ng Diyos.

“It is a deep joy to stand before you today for the 2026 General Assembly of the Catholic Educational Association of the Philippines–NCR. Every time I gather with educators, I feel a renewed sense of hope. You are the ones who meet our young people every day. You are the ones who listen to their stories, see their struggles, celebrate their victories, and accompany them through the confusing terrain of growing up in today’s world,” ayon sa pagninilay ni Bishop Santos para sa CEAP General Assembly.

Binigyang-diin ng Obispo ang tatlong pangunahing tungkulin ng mga paaralang Katoliko bilang pamayanang bukas sa lahat, daluyan ng karunungan at maging mensahe ng pag-asa.

Ipinaliwanag niya na ang tunay na edukasyong Katoliko ay hindi lamang naghahanda ng mga mag-aaral para sa trabaho, kundi humuhubog rin ng mga disipulong may pananampalataya, mabuting asal, at kakayahang mamuhay nang may katotohanan, malasakit, at integridad.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa dedikasyon ng mga guro, administrador, at kawani ng mga paaralang Katoliko sa patuloy na pagtupad sa kanilang bokasyon.

“Our young people are surrounded by many voices, many directions, and many promises. More than ever, they need guides who can help them discover not only where they are, but where God is calling them to go. Our theme this year — “Transforming Catholic Schools into New Maps of Hope” — is not just timely. It is prophetic. Because if there is anything our young people are searching for today, it is direction,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga kabataan, mananampalataya, mga katolikong paaralan at institusyon na ipagpatuloy ang pagbuo ng mga pamayanang mapagkalinga, pagpapalaganap ng karunungan at pagiging mga saksi ng pag-asa, upang higit pang maipadama sa bawat kabataan na si Kristo ang Daan, Katotohanan, at Buhay, na siyang tunay na pinagmumulan ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,851 total reads

 126,851 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,291 total reads

 170,291 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,047 total reads

 220,047 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,243 total reads

 379,243 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,584 total reads

 400,584 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top