Pax Silica project, nararapat ipaliwanag at maunawaan ng mga Pilipino—Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,114 total reads

Nilinaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang tunay na usapin sa proyekto ng Pax Silica ay hindi lamang kung makatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya o teknolohiya, kundi kung paano nito mapapakinabangan ang sambayanang Pilipino at mapangangalagaan ang dignidad ng tao.

Sa kanyang pahayag sa personal na Facebook page na may titulong “What’s the Real Issue with Pax Silica?”, sinabi ng Cardinal na likas lamang sa bawat bansa na isulong ang sariling pambansang interes, tulad ng ginagawa ng Estados Unidos at China sa larangan ng artificial intelligence, semiconductors, at iba pang makabagong teknolohiya.
Gayunman, binigyang-diin ni Cardinal David na ang mahalagang tanong para sa Pilipinas ay kung tunay bang makatutulong ang Pax Silica sa pagpapalakas ng kakayahang pang-agham, inobasyong teknolohikal, at industriyal na katatagan ng bansa, o kung magsisilbi lamang ito sa interes ng ibang bansa habang ang Pilipinas ang maglalaan ng lupa, likas na yaman, tubig, enerhiya, insentibong pangbuwis, at lakas-paggawa.

“These are legitimate questions—not because we oppose foreign investment, but because genuine partnership should strengthen the nation that hosts it,” Ayon kay Cardinal David.
Dahil dito, nanawagan ang Cardinal ng higit na transparency, makabuluhang partisipasyon ng mga Pilipinong siyentipiko at industriya, wastong pangangalaga sa kalikasan, at malinaw na programa para sa technology transfer upang umangat ang bansa sa value chain at hindi manatiling tagapagluwas lamang ng raw materials at murang lakas-paggawa.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na higit pa sa usaping pang-ekonomiya ang dapat isaalang-alang sa pag-unlad ng artificial intelligence, kung saan ayon sa Cardinal nasasaad sa Magnifica Humanitas ang pagpapaalala ni Pope Leo XIV na ang mahalagang tanong ay hindi kung ano ang kayang gawin ng artificial intelligence, kundi kung anong uri ng tao ang hinuhubog nito.

” In Magnifica Humanitas, Pope Leo XIV reminds us that the decisive issue is not what artificial intelligence can do, but what kind of human beings we are becoming. Technology must remain the servant of humanity, never its master.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Tinukoy rin ng Cardinal ang katuruan ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na hindi dapat nakabatay lamang sa kompetisyon ng mga pambansang interes ang kinabukasan ng sangkatauhan, sapagkat ang ganitong pananaw ay madalas humahantong sa hidwaan at digmaan.

Ayon kay Cardinal David, bilang isang pandaigdigang pamayanan ng pananampalataya, patuloy na isinusulong ng Simbahang Katolika ang pananaw na ang mga pambansang interes ay dapat magsilbi sa kabutihang panlahat ng buong sambayanan.

Sa huli, sinabi ng Cardinal na ang tunay na sukatan ng Pax Silica ay hindi kung gaano nito mapalalakas ang ekonomiya o artificial intelligence, kundi kung makatutulong itong maitaguyod ang isang lipunang nakabatay sa dignidad ng tao, pagkakapatiran, pangangalaga sa kalikasan, at kapayapaan.
Paliwanag ni Cardinal David, “The real question is whether it will help build what Pope Leo calls a civilization of love rather than a culture of power—a future in which technological progress serves human dignity, social fraternity, care for our common home, and peace among nations.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 3,769 total reads

 3,769 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 41,759 total reads

 41,759 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 95,597 total reads

 95,597 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 159,075 total reads

 159,075 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 226,859 total reads

 226,859 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top