Isabuhay ang paglilingkod sa kapwa, apela ng Papal Nuncio sa MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,197 total views

Hinikayat ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga chaplain at mga kasapi ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) na patuloy na isabuhay ang diwa ng paglilingkod kay Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.

Ito ang apela ng nuncio sa paglulunsad ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng pagiging Military Ordinariate ng institusyon.

Sa kaniyang homiliya sa banal na misa para sa Kapistahan ni San Ignacio de Loyola sa St. Ignatius Cathedral sa Camp General Emilio Aguinaldo, sinabi ng kinatawan ng Santo Papa na ang ministeryo ng Military Ordinariate ay hindi para sa pansariling kapakanan kundi para sa tapat na paglilingkod sa kapwa.

“We should always ask ourselves: Whom are we serving? Jesus says in the Gospel: ‘Unless you renounce your possessions, you cannot be my disciple.’ That means we cannot serve ourselves. We should not be serving ourselves. We should be serving others and seeing Christ in others,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng nuncio na ang bokasyon ng isang military chaplain ay nakaugat sa halimbawa ni San Martin of Tours, ang sundalong naging banal na nagbahagi ng kaniyang balabal sa isang dukha, isang pangyayaring pinagmulan ng salitang “chaplain.”

Ayon kay Archbishop Brown, ang tunay na paglilingkod ng mga chaplain ay ang pagkilala sa presensya ni Kristo sa bawat taong kanilang pinaglilingkuran.

“That is what it means to serve as a chaplain: to have eyes that distinguish, that discern, the presence of Jesus in others. When we serve others as chaplains, we are serving Christ,” aniya.

Binigyang-pugay rin ni Archbishop Brown ang apat na dekadang paglilingkod ng mga pari ng Military Ordinariate sa iba’t ibang sangay ng uniformed services sa bansa.

“Today we say a heartfelt thank you to God for all the chaplains in these different armed services and uniformed services in the Philippines who have served so selflessly and so beautifully over these past 40 years,” ayon pa kay Archbishop Brown.

Samantala, sa panayam ng Radio Veritas kay Msgr. John Brillantes, tagapagsalita ng military ordinariate, sinabi nitong ang misyon ng MOP ay higit pa sa pagbibigay ng mga sakramento dahil nakatuon din ito sa paghubog ng moralidad at pananampalataya ng mga kawal at kanilang mga pamilya.

“Our mission is truly extensive. More specifically, it is to provide for the spiritual and moral welfare of our soldiers and our uniformed men and women,” ayon kay Msgr. Brillantes.

Ipinaliwanag ng pari na sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 180 aktibong pari ang military ordinariate, kung saan 122 sa mga ito ay sariling hinubog at inordenahan ng MOP matapos nitong magkaroon ng sariling seminaryo kasunod ng pagiging ganap na ordinariate noong 1986.

Bukod sa pagdiriwang ng misa at pagbibigay ng mga sakramento, nagsisilbi rin ang mga military chaplain bilang spiritual advisers’ ng mga commander, tagapag-ugnay sa pagitan ng militar at sibilyan, mga guro sa mga military academy, at maging bahagi ng negotiation teams sa panahon ng mga krisis at iba pang emergency situations.

Ibinahagi rin ni Msgr. Brillantes na isinasabuhay na ng military ordinariate ang panawagan ni Pope Francis sa synodality sa pamamagitan ng pakikinig at paglalakbay kasama ng mga sundalo at kanilang mga pamilya.

“We emphasize the need to listen to our people and to walk with them. You listen to the soldiers, you listen to their families, and from there, we are able to discern how we can better respond to their needs,” paliwanag pa ni Msgr. Brillantes.

Apela ng pari sa publiko na ipanalangin ang mga uniformed personnel, lalo na ang mga nakatalaga sa mga frontline areas.

“Please pray for our uniformed men and women. Especially those at the front line, it is difficult to be a soldier. We enjoy the freedom and security of our nation because of the sacrifices of these brave men and women. They leave their homes and families to serve on the front lines, allowing the rest of us to live comfortably and securely,” dagdag ng pari.

Ayon kay Msgr. Brillante, kabilang sa mga dapat ipanalangin ang mga sundalong nakatalaga sa Pag-asa Island, Batanes, gayundin ang mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Jail Management and Penology.

Ang paglulunsad ng ika-40 anibersaryo ng Military Ordinariate of the Philippines ay hudyat ng isang taong paggunita sa apat na dekadang paglilingkod ng Simbahan sa espirituwal at moral na pangangailangan ng mga kalalakihan at kababaihan ng mga uniformed services na nangangalaga sa kalayaan, seguridad, at kapayapaan ng bansa.

Kasabay ng pagdiriwang ay pinangunahan nina Archbishop Brown katuwang si Military Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagsasapubliko ng pananda sa apat na dekadang paglilingkod ng MOP kung saan pinahintulutan din ng Vatican ang pagkakaloob ng plenary indulgence sa mga mananampalatayang dadalaw sa mga itinalagang jubilee churches ng MOP alinsunod sa mga kondisyon ng pagtanggap ng indulhensya.

Ang Military Ordinariate of the Philippines ay itinatag bilang Military Vicariate noong 1950 sa panahon ni Pope Pius XII at itinaas bilang Military Ordinariate, o katumbas ng isang diyosesis, noong July 21, 1986 sa pamamagitan ng Apostolic Constitution na

Spirituali Militum Curae ni St. John Paul II upang higit pang mapalawak ang pastoral na pangangalaga sa mga miyembro ng Armed Forces at iba pang uniformed services.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 13,033 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 14,050 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 30,863 total views

 30,863 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 104,534 total views

 104,534 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 135,816 total views

 135,816 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 167,832 total views

 167,832 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 318,752 total views

 318,752 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top