Bawat pagtitipon may akmang lugar para sa kanilang gawain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 603 total reads

Ito ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, ang simbahan ay itinuturing na tahanan ng Diyos na pinagdarausan ng mga mananampalataya bilang bahay-dalanginan.

“May akmang lugar para sa bawat gawain ng tao. Kung ang mga politiko ay nagtitipon sa mga hotel o convention centers para sa kanilang pagpupulong, ganun din ang mga Katoliko sa kanilang pananalangin, ginagawa nila ito sa simbahan na isang bahay-dalanginan,” ayon kay Fr. Secillano.

Ipinaliwanag ng pari na sa loob ng simbahan nakaluklok ang Eukaristiya – ang katawan ng Diyos sa anyong hostia o tinapay na hindi matatagpuan sa bawat tahanan kaya’t mahalaga ang pagsisimba.

“Sa loob ng Simbahan nakaluklok ang Eukaristiya, ang katawan ng Diyos sa anyo ng hostia o tinapay. Ito ang wala sa mga bahay at hindi rin pinapahintulot ang pagluluklok nito sa bawat tahanan,” dagdag pa ni Fr. Secillano.

Unang kinondena ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang pahayag ng Pangulong Duterte na nagpapayo sa mga katoliko na iwaksi ang pagsisimba sa halip ay magtayo ng kapilya sa kanilang mga bahay.

Bagama’t hindi kautusan ang palagiang pagsisimba ay pinapaalalahanan ang mga mananampalataya na maglaan ng panahon na makapiling ang Diyos sa kanyang tahanan.

Sa katuruan ng simbahan isang obligasyon ng bawat mananampalataya ang pagsisimba tuwing araw ng linggo.

Dahil nagiging matatag ang pananampalataya sa magkakasama at nagsasalo sa piging na inihanda ng Panginoon bilang pag-alaala sa kanyang pagpapakasakit.

Ilan din sa mga idineklarang ‘Holiday of Obligation’ ang December 8-Feast of Immaculate Conception; December 25- Christmas Day at January 1- Solemnity of Mary, Mother of God.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 79,884 total reads

 79,884 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,445 total reads

 127,445 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,316 total reads

 175,316 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,264 total reads

 279,264 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 361,659 total reads

 361,659 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top