Be God’s channel to transform people, hamon ni Cardinal Tagle sa mga guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga guro sa General Assembly ng Roman Catholic Archbishop of Manila Educational System o RCAM-ES na itaguyod ang misyon ng simbahan.

Sa ilalim ng temang “Youth Empowered to Serve for Christ”, binigyang diin ni Cardinal Tagle na kinakailangang tiyakin ng mga guro na sa Panginoon nagmumula ang kanilang paghubog sa mga mag-aaral.

Sinabi ng Kardinal na hindi manggagaling sa tao o sa kaninuman ang kapangyarihan ng mabuting paghubog kun’di tanging sa Diyos lamang na nagpapanibago sa bawat tao.

“We are not the ones empowering our students. We hope that they will be empowered by the Holy Spirit, by Jesus Christ, by the Gospel so that they will become good citizens and good disciples.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Hinamon pa ng Kardinal ang mga guro na samahan ang mga estudyante sa araw-araw upang madama nila ang presensya ng Panginoon.

Inihayag ni Cardinal Tagle na sa ganitong paraan ay dadaloy sa mga kabataan ang kapangyarihan ng Panginoon na huhubog sa kanila bilang mabuting miyembro ng lipunan.

“Ang challenge ay sana tayo ay makasama ng mga estudyante araw-araw. Sana tayo ay maging instrument, maging channel ng power of God to transform people. Hindi power natin, power ng Diyos na padadaluyin natin sa pamamagitan ng pagtuturo, ugnayan at paglilingkod sa mga kabataan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle

Sa ika-19 ng Hunyo pangungunahan ni Cardinal Tagle ang Holy Spirit Mass ng mga paaralang kasapi ng RCAM-ES.

Isinasagawa ang Holy Spirit Mass sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral upang hingin ang tulong at gabay ng Espiritu Santo sa buong taon ng pag-aaral ng mga bata at pagtuturo ng mga guro.

Sa tala, ang RCAM-ES ay mayroong tinatayang 28 kasaping mga Catholic Schools mula sa Maynila, Mandaluyong, Makati at San Juan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 95,513 total reads

 95,513 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 153,674 total reads

 153,674 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 290,185 total reads

 290,185 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 405,162 total reads

 405,162 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,784 total reads

 47,784 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 77,317 total reads

 77,317 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 70,160 total reads

 70,160 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top