BEF at Oceana Philippines, dismayado sa pagbibigay ng prangkisa sa SMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 589 total reads

Ikinadismaya ng Bulacan Ecumenical Forum at Oceana Philippines ang pagbibigay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa San Miguel Corporation ng prangkisa upang itayo ang New Manila International Airport o Bulacan International Airport Project sa Taliptip, Bulakan, Bulacan.

Ayon kay Fr. Francis Cortez, tagapagsalita ng Bulacan Ecumenical Forum, masyadong naging mabilis ang desisyon ng mga mambabatas para sa Bulacan Airport at hindi inisip ang mga kaharaping suliranin kapag naitayo na ito.

“Kung mapapansin natin ‘yung mga naging pagdinig na mabilisan ‘yung naging proseso. Kumbaga, nandodoon na kaagad sa kaisipan nila kung ano ‘yung gagawin o tutupdin nila ‘yung maisulong ang proyektong ito,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok naman ni Fr. Cortez ang bawat isa na maging bukas ang puso at diwa sa mga nagaganap sa ating kapaligiran tulad ng pandemyang COVID-19.

Sinabi ng Pari na kalikasan na ang nangungusap dahil sa kapabayaan ng mga tao at hindi pagiging mabuting katiwala sa nilikha ng Diyos.

Dismayado naman si Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo-Ramos sa railroading ng mga mambabatas sa pagpasa ng prangkisa para sa S-M-C na hindi isinaalang-alang ang epekto ng proyekto sa kalikasan at mga naninirahan sa paligid ng lugar na pagtatayuan.

“It’s a disappointment. Actually, kasi we rely on the legislative body to look at the implementation of the laws. May overside function sila. We raise all of these issues na na-violate [ang] various environmental laws sa Environmental Impact Assessment System Act, ang Philippine Fisheries code kasi impacted ang fisheries nito, ang water quality,” bahagi ng pahayag ni Atty. Estenzo-Ramos.

Inihayag ng abogado na dapat na unahin ng mga mambabatas na ipasa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na mas makatutulong upang mapadali ang sistema sa pagkuha ng mga incentive,tax exemption at makalikha ng maraming trabaho.

“Dapat nga unahin nila ‘yung CREATE Bill. Ito ‘yung mag-streamline sana ng system of incentives and exemptions. Di ba dapat unahin nila ‘yan? So they make sure na hindi ma-cover ‘yung San Miguel from this CREATE Bill. Why the rush? Ang tindi nga ng impact nito sa environment, sa livelihood, economics, social, climate change. That area is a geo-hazard [zone],” ayon kay Atty. Estenzo-Ramos.

Nanawagan ang Oceana Philippines sa mamamayan at iba’t-ibang sector na pigilan ang pagtatayo ng paliparan.

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang tax provisions para sa panukalang legislative franchise na magpapahintulot sa San Miguel Corporation na itayo at patakbuhin ang nasa 2,500 ektaryang Bulacan International Airport.

Tinuturo naman ng Catholic Social Teaching na hindi maaring isakripisyo ang kapakanan ng mamamayan at kalikasan sa pagtamo ng malaking kita at paglago ng ekonomiya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,181 total reads

 6,181 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 7,848 total reads

 7,848 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 18,101 total reads

 18,101 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 55,479 total reads

 55,479 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 86,749 total reads

 86,749 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 163,116 total reads

 163,116 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 256,457 total reads

 256,457 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,613 total reads

 73,613 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top