2,113 total views
Kinilala ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang gawain ng Bureau of Fire Protection na nangangalaga sa buhay at ari-arian ng mamamayan.
Ayon sa nuncio, bagamat tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa buhay, pinagkatiwalaan ng Panginoon ang mga bumbero sa natatanging misyon.
“The work of a firefighter is all about protection. It’s a service to others by protecting human life and property. The idea of protecting human life is a beautiful gift that all of us have received, but for the firefighters, it is a mission,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radio Veritas.
Nagagalak ang mga kawani ng BFP sa pagdalaw ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas lalo’t kinilala nito ang gawain ng mga bumbero.
Sa panayam ng Radio Veritas kay BFP Deputy Chief for Operations Chief Superintendent Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, makatutulong sa paghubog ng pananampalataya ang pagkilala at pagdalaw ng mga lider ng simbahan sa tanggapan ng BFP.
“We are very honored and humbled especially when the Papal Nuncio recognizes the effort of the fire service; their presence brought some lights about our faith and strengthen our belief of becoming good Christians, becoming a good Catholic and its always about faith and services,” ani Kwan Tiu sa Radio Veritas.
Umaasa si Kwan Tiu na patuloy suportahan ng simbahan ang mga gawain ng chaplain service tulad ng pangunguna sa mga Banal na Misa, recollection at retreat.
Kinilala ng opisyal na sa pamamagitan nito ay mas mahubog an mga bumbero sa paglilingkod sa pamayanan.
“We are here to serve the public and it should with utmost integrity and honesty, so having this kind of religious activities will strengthen our faith and somehow help us in serving the community,” ani Kwan Tiu.
Ginawaran ng arrival honors ng BFP si Archbishop Brown kung saan bukod kay Kwan Tiu kabilang sa sumalubong si BFP Post Chaplain Fr. (SInp) Raymond Tapia at iba pang opisyal.
Samantala tiniyak ng BFP ang patuloy na panalangin sa lahat ng lider ng simbahan lalo na kay Pope Francis para sa kalakasan at katatagan sa paglilingkod sa mga katoliko sa mundo.
Pinangunahan ng nuncio ang ikapitong Misa Nobenaryo ng BFP sa karangalan ni St. Florian ang patron ng mga bumbero.
Sa araw ng kapistahan sa May 4, pangungunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang Banal na Misa sa alas dose ng tanghali.