Pangangalaga sa Yamang Tubig ng Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,799 total reads

Sa ating bansa, napakahalaga ng water resource management o pangangalaga sa yamang tubig. Kapanalig, ang dami nating industriya na napaka-dependent sa tubig. Kapag magkaroon tayo ng kahit konting problema sa water supply, napakalaking epekto nito agad sa lokal at nasyonal na ekonomiya.

Tingnan mo na lamang kapanalig sa sektor ng agrikultura. Konting problema lamang sa water supply sa sektor, babagsak na agad ang produksyon – gutom ang magsasaka, pati mga mamamayan gutom din dahil dito tayo kumukuha ng ating food sources.

Siyempre napakahalaga ng pangangalaga ng tubig sa fisheries sector. Kada magkakaroon ng polusyon o anumang aberya sa karagatan, babagsak din ang harvest ng mga mangingisda. Gutom sila, gutom din tayo dahil isa rin ito sa ating food sources.

Kaya nga maraming nababahala ngayong panahon ng El Nino. Tinatayang mararamdaman natin ang epekto nito ngayon Hunyo hanggang Agosto, at maaaring mas lumubha pa pagdating ng unang sangkapat o quarter ng 2024. Kapanalig, naghahanda na ang pamahalaan para sa posibleng epekto nito sa ating bayan. Tama lamang ito, pero sana, mayroon din tayong long-term planning ukol sa pangangalaga ng yamang tubig ng bansa.

Ang ‘Ensuring availability and sustainable management of water and sanitation for all’ ay Sustainable Development Goal Number 6 ng United Nations. Ang tiyak na malinis at sustainable na supply ng tubig ay esensyal sa ating buhay kapanalig, kaya’t marapat lamang na hindi patse-patse ang ating pagtugon sa napipintong kakulangan sa tubig. May El Nino man o wala, ang buong mundo ay humaharap sa isang nagbabantang global water crisis. Ang global demand para sa freshwater ay sosobra na ng 40% sa kayang isupply ng mundo pagdating ng 2030. Pitong taon na lamang yan, kapanalig. Ayon sa mga eksperto, mali ang pag-gamit natin sa tubig, dinudumihan pa natin ang tubig, at binabago pa natin ang global hydrological cycle dahil sa gawain nating nagdudulot ng climate change.

Bilang mahirap at maliit ng bansa, ang mga bayang gaya natin ang mas magdudusa sa anumang water shortage. Ayon nga sa Laudato Si, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: Water is a scarce and indispensable resource and a fundamental right which conditions the exercise of other human rights. Kaya kapanalig, napakahalaga na mayroon tayong long-term water resource management, hindi lamang mga knee-jerk reactions sa mga dumarating na krisis sa ating bayan. Napakahalaga sa atin ngayon ng collective action at long-term planning para masiguro na tiyak ang supply ng ating tubig – at hindi lamang tiyak kapanalig, ha, kundi abot-kaya at abot-kamay. Mahirap yung may suplay nga pero mahal ang singil. Ang tubig, kapanalig, ay common good, at dapat ito ay mapag-yaman at mapangalagaan para sa lahat.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan bago banyaga

 4,683 total reads

 4,683 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 68,534 total reads

 68,534 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 164,544 total reads

 164,544 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 247,575 total reads

 247,575 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 341,773 total reads

 341,773 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan bago banyaga

 4,684 total reads

 4,684 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 68,535 total reads

 68,535 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 164,545 total reads

 164,545 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 247,576 total reads

 247,576 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »
Scroll to Top