Bicolano’s, nanabik na sa pista ng Peñafrancia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 874 total reads

Nananabik ang mananampalataya ng Archdiocese of Caceres sa pagsisimula ng buwan ng Setyembre na isang mahalagang panahon para sa mga Bicolano at mga deboto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Ayon kay Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ito ay ang natatanging buwan para sa mga Bicolano dahil sa pagdiriwang ng Peñafrancia Festival na debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia at sa Divino Rostro o Holy Face of Jesus na dinadagsa hindi lamang ng mga mananamapalataya kundi maging mga turista.

“September is a month that always excites the Bicolanos and non-Bicolanos alike most especially the devotees of Our Lady of Peñafrancia once again we are given this wonderful month to celebrate the Feast of Our Blessed Mother, our Ina Our Lady of Peñafrancia,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona.

Dulot naman ng patuloy na banta ng Covid-19 pandemic, karamihan sa mga gawain ng kapistahan ay matutunghayan ng mananampalataya sa official Facebook page ng arkidiyosesis.

Tema ng pagdiriwang ng Peñafrancia 2020 ang “Fostering Dialogue and Harmony in Spirit of Mary’s Gentleness and Humility” na naglalayong maging huwaran ang kababaan ng loob at pagsusulong ng mapayapang dayalogo ng Mahal na Birheng Maria sa gitna ng iba’t ibang usaping kinahaharap ng bayan sa kasalukuyan.

Paliwanag ni Archbishop Tirona, sa gitna ng mga usaping nagdudulot ng pagkakahati-hati ng mga mamamayan ay higit na kinakailangan ang pag-uusap at pakikipag-ugnayan.

“Indeed, when we look around there’s seems to be a wide spread divide all over the world issues of racism, issues of poverty, of injustice, of corruption, issues of extra-judicial killings and above all presently we’re all going through a very difficult times of a pandemic of COVID-19.” Dagdag pa ni Archbishop Tirona.

Muli namang humingi ng pag-unawa at pakikipagtulungan si Archbishop Tirona para sa mga pagbabago sa nakatakdang paggunita ng Peñafrancia Festival 2020 bilang pag-iingat na rin sa pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Una nang inihayag ng arkidiyosesis at lokal na pamahalaan ng Naga City na kabilang sa mga pagbabago sa paraan ng paggunita ng Peñafrancia Festival ay ang pagbabawal sa nakaugalian pahalik sa poon at ang hindi pagsasagawa ng mga prosesyon kabilang na ang military parade at ang nakaugaliang Traslacion at Fluvial Procession.

Ipinagpaliban rin ang pagsasagawa ng mga malalaking programa at gawain tulad ng mga trade fairs at ilan pang nakagawiang paraan ng pagdiriwang sa buong lalawigan bilang patuloy na pag-ingat mula sa pagkalat ng COVID-19.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,446 total reads

 23,446 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,997 total reads

 43,997 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 119,241 total reads

 119,241 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 204,611 total reads

 204,611 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 251,347 total reads

 251,347 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 299,218 total reads

 299,218 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 397,120 total reads

 397,120 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top