Bigyang-pugay ang SAF 44, panawagan ng PNP-Chaplain Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,265 total reads

Alalahanin at patuloy na bigyang pugay ang kabayanihan ng SAF 44.

Ito ang panawagan ng Philippine National Police – Chaplain Service kaugnay sa ika-8 anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan nasawi ang 44 na PNP-Special Action Force troopers na tinaguriang SAF 44.

Ayon kay PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, naaangkop na patuloy na alalahanin at bigyang pugay ang kabayanihan at pagiging makabayan ng SAF 44 na hindi lang maituturing na inspirasyon para sa mga pulis at sundalo kundi maging para sa lahat ng mga Filipino.

“Nanawagan din ako sa lahat, sa ating kapwa Filipino na ating i-commemorate talaga itong SAF 44 kung ano ang kanilang ginawa para sa ating bayan, this is not only to inspire every soldier or policemen but also to inspire the entire Filipino people kasi pinapakita dito ang kadakilaan, ang nasyonalismo ng bawat Filipino,” pahayag ni Ortizo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni General Ortizo na bagamat nananatili pa rin ang kirot sa dibdib sa tuwing inaalala kabayanihan at kamatayan ng SAF 44 ay hindi naman nito maiaalis ang inspirasyon sa pag-aalay ng buhay para sa bayan.

Ayon kay General Ortizo, isinagawa ng Police Regional Office 8 sa Palo, Leyte ngayong 2023 Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44 ang pag-aalay ng panalangin sa kanilang kaluluwa at pananalangin para sa kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

Umaasa naman si General Ortizo na maraming mga kabataan ang mapukaw ang damdamin sa halimbawa ng kabayanihan ng SAF 44 upang maglingkod para sa bayan at sa kapwa Filipino.

Tema ng 2023 Day of National Remembrance for the Heroic Sacrifice of SAF 44 ang “Legacy of Heroes: Inspiration of Future Generations”.

Ginugunita ngayong taon ang ika-8 anibersaryo ng madugong Mamasapano encounter kung saan idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Proclamation No. 164 ang ika-25 ng Enero na National Day of Remembrance bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 34,094 total reads

 34,094 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 71,951 total reads

 71,951 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 107,250 total reads

 107,250 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 333,520 total reads

 333,520 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 224,795 total reads

 224,795 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top