Bishop Bagaforo, nanawagan sa administrasyong Marcos na palayain ang mga political prisoner

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Nakiisa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga political prisoner na patuloy lumalaban sa kanilang mga karapatan.

Tinukoy ni CBCP Nassa/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang karanasan ni dating Senator Leila de Lima na biktima ng pangho-hostage ng kapwa bilanggo noong October 9.

Naniniwala ang opisyal na ang pagkabilanggo ng mga political prisoners ay bunsod ng kanilang paninindigan para sa katarungan at karapatan ng mamamayan.

“Caritas Philippines stands in solidarity with the many political prisoners like former Senator Leila de Lima who have been unjustly detained due to their political beliefs and advocacies,” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Batay sa ulat ng Philippine National Police nagtangkang tumakas ang tatlong preso na sina Feliciano Sulayao Jr. at Idang Susukan na pawang sub-leader ng Abu Sayyaf Group habang si Arnel Cabintoy naman ay miyembro ng Dawlah Islamiyah.

Matapos mapatay ng rumespondeng pulis sina Susukan at Cabintoy ay tinungo ni Sulayao ang selda ni de Lima at ginawang hostage ang dating Senador.

Bagamat nailigtas sa kapahamakan ay umigting ang panawagang palayain si de Lima lalo’t karamihan sa mga tumestigo ay binawi na ang mga pahayag laban sa dating senador.

Ayon sa tala ng grupong Karapatan, nasa 343 ang political prisoners sa administrasyong Arroyo, 306 sa administrasyong Aquino habang pinakamarami ang 592 sa administrasyong Duterte.

Apela ni Bishop Bagaforo na palayain ang mga nakapiit dahil sa pananaw sa pulitika at ipakita ang paggalang sa karapatan at kalayaan ng mamamayan.

“It’s time to free politically persecuted individuals to show Filipino citizens and the international community that basic human rights, freedom and justice are still in place in the Philippines,” ani ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,516 total reads

 49,516 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,200 total reads

 129,200 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,647 total reads

 162,647 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,945 total reads

 197,945 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,527 total reads

 422,527 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top