Bishop David, nagpapasalamat sa suporta ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si incoming CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa paglalabas ng panibagong Pastoral Statement ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa patuloy na karahasan sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Bishop David, dahil sa pakikiisa ng buong kalipunan ng mga Obispo sa naturang panawagan ay mas magiging buo ang paninindigan ng Simbahan na wakasan na ang marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga kung saan nadadamay maging ang mga inosenteng sibilyan.

“Natutuwa ako na naglabas ng bagong Pastoral Statement ang Catholic Bishops Conference of the Philippines then it’s not a lone voice anymore, so hindi na ako nagsasalita only as Diocese of Caloocan when there is a back-up from the Episcopal Conference then the voice is stronger and I think in summary yung statement din nila is stop the killing start the healing ganun din…” pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Bahagi ng inilabas na Pastoral Statement ng CBCP na nilagdaan ng kasalukuyang CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mariing panawagan sa pamahalaan at sa mga alagad ng batas na itigil na ang mga nagaganap na patayan sa gitna ng anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Hinihimok rin ng CBCP ang bawat mananampalataya na mag-alay ng dasal sa loob ng 40-araw simula sa ika-23 ng Setyembre hanggang unang araw ng Nobyembre para sa mga biktima ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Bukod dito, hinihikayat rin ang bawat Katolikong Filipino na magtirik ng kandila sa mga sementeryo, sa harapan ng kanilang mga tahanan at mga lugar kung saan naganap ang mga drug related killings.

Nanawagan rin ang CBCP sa iba pang mga Diocesan Bishops na makiisa sa pagpapatunog ng kampana ng Simbahan sa loob ng 40-araw bilang paggunita at pananalangin para sa lahat ng mga kaluluwa ng mga namatay sa drug related killings na umaabot na sa 13-libong indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 25,975 total reads

 25,975 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 112,499 total reads

 112,499 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,238 total reads

 159,238 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,110 total reads

 207,110 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 309,775 total reads

 309,775 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top