Simbahan, lubos ang pasasalamat sa pagkakabawi kay Father Suganob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total reads

Lubos ang pasasalamat sa Panginoon at sa mga sundalo ni Iligan Bishop Elenito Galido sa pagkakaligtas kay Father Chito Suganob at isa pang bihag ng Maute group makaraan ang mahigit sa 100 araw na digmaan sa Marawi City.

Ayon kay Bishop Galido, ang pagkakabawi kay Father Suganob ay isang magandang pagsalubong ng Panginoon kina Marawi Bishop Edwin dela Peña, Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na pauwi mula sa Roma.

Pinuri at pinasalamatan din ni Bishop Galido ang mga sundalong naka-rescue kay Father Suganob at sa isang bihag na teacher.

Itinuturing ng Obispo na “good news at answered prayers” ang pagliligtas sa dalawang bihag ng Maute.

“Good news talaga. Nagpasalamat ako sa mga sundalo na naka rescue kay Fr. Chito at isang teacher yata ng Dansalan narescue sila at kaming lahat dito ay natutuwa. Talagang answered prayers. Talagang palagi naming ipinagdarasal. Ngayon malaya na sila. Thanks be to God,” pahayag ni Bishop Galido sa Radio Veritas.

Ang mga Obispo ng Mindanao ay nagtungo sa Roma para dumalo sa inter-faith dialogue sa Vatican at ibinahagi ang mga pangyayari sa Mindanao lalu na ang digmaan sa Marawi na inaasahang darating sa Pilipinas ngayong araw.

Ayon kay Bishop Galido, labis ang kanilang pasasalamat sa pagkakaligtas ng mga bihag at ito ay matagal na nilang ipinagdarasal na mabawi ng buhay ang pari at mga kasama nito.

Inamin ni Bishop Galido sa Radio Veritas na wala pang pakikipag ugnayan ang mga sundalo sa mga opisyal ng Simbahan sa Mindanao kaugnay sa pagkakaligtas sa mga bihag.

“Di pa namin siya nakita, bago lang ito. Hindi namin alam kung nasaan siya, kung nasa Marawi o dalhin sa Manila,” pahayag ni Bishop Galido.

Matatandaang bukod kay Father Chito, may dalawampung manggagawa ng St. Mary’s Cathedral ang tinangay ng mga terorista nang lusubin ang Simbahan noong May 23, 2017.

Ilan sa mga bihag ay nauna nang naiulat na nakaligtas at nakatakas sa kasagsagan ng military operation sa lungsod.

Ang Iligan City ang pangunahing lungsod kung saan lumikas ang mga residente ng Marawi City at ang Diocese of Iligan naman ang naging pansamantalang tahanan noon ni Bishop Dela Pena at Marawi Bakwits dahil sa kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 27,115 total reads

 27,115 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,597 total reads

 113,597 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 160,336 total reads

 160,336 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 208,208 total reads

 208,208 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,812 total reads

 310,812 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top