Bishop Evangelista, humiling ng panalangin para kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,472 total reads

Hinimok ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin si Pope Leo XIV upang magabayan siya sa kanyang pamumuno sa Simbahang Katolika at sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at malasakit sa buong mundo.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Pope’s Day Mass sa Manila Cathedral kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Batid ni Bishop Evangelista ang kahalagahan ng mga panalangin para sa mga gawaing pagpapastol ng Santo Papa.

“Napakahalaga rin na sa dakilang kapistahang ito ay ipagdasal natin ang ating kasalukuyang Santo Papa, si Pope Leo XIV, sa kanyang pamumuno sa buong Simbahan at sa buong mundo,” pahayag ni Bishop Evangelista sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na napakalaki ng pananagutang ginagampanan ng Santo Papa bilang pastol ng Simbahan, lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan at pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao.

“Napakahalaga ng kanyang ginagampanang tungkulin, lalo na sa pagtataguyod ng kapayapaan sa buong mundo, ng katarungan, at ng pagmamalasakit, lalo na sa mga nangangailangan at naghihirap,” ani ng obispo.

Tinukoy ni Bishop Evangelista ang agarang pakikiisa ni Pope Leo XIV sa mga biktima ng kamakailang lindol sa Venezuela bilang patunay ng malasakit nito sa mga taong dumaranas ng kalamidad at krisis, at maging sa mga mamamayang nakararanas ng kahirapan dahil sa karahasan.

Hinikayat ng obispo ang mga mananampalataya na higit pang patibayin ang kanilang pananampalataya at patuloy na suportahan ang misyon ng Simbahan sa pamamagitan ng panalangin para sa punong pastol.

“Sana ay patuloy nating ipagdasal ang ating Santo Papa. Ipagdasal din natin ang buong Simbahan, at lalo nating mahalin ang ating pananampalatayang Kristiyano, ang ating pananampalatayang Katoliko, na nagmula at ipinasa sa atin ng mga apostol,” dagdag ni Bishop Evangelista.

Pangunahing tungkulin ng Santo Papa ang pagbuklurin ang sangkatauhan tungo sa landas ni Hesus batay sa habilin nito kay San Pedro, ang kauna-unahang Santo Papang pinagkatiwalaan ng mga gawaing pagpapastol.

Ayon pa sa obispo, ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina San Pedro at San Pablo ay paalala sa mahalagang ambag ng dalawang apostol bilang mga haligi ng Simbahan at sa pananagutang ipagpatuloy ng bawat mananampalataya ang kanilang iniwang pamana ng pananampalataya at paglilingkod.

Kay Pedro inihabilin ni Hesus ang simbahan sa lupa habang si San Pablo naman, na kilala noong mang-uusig ng mga Kristiyano, ay nagbagong-buhay at naging misyonerong nangunguna sa pangangaral tungkol kay Hesus sa iba’t ibang dako.

Si San Pedro ay ipinako sa nakabaliktad na krus sa Roma habang si San Pablo naman ay pinugutan ng ulo sa naturang bansa.
Mula kay San Pedro, nahalal si Pope Leo XIV noong May 8, 2025 bilang ika-267 na Santo Papa ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 54,420 total reads

 54,420 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 87,857 total reads

 87,857 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 189,683 total reads

 189,683 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 230,240 total reads

 230,240 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 248,542 total reads

 248,542 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top