Bishop Occiano, nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kaligtasan ng isla sa pananalasa ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,359 total views

Nagpapasalamat si Virac, Catanduanes Bishop Luisito Occiano sa lahat ng nakatuwang ng diyosesis sa pagtitiyak ng kaligtasan ng isla mula sa matinding pinsala ng Bagyong Opong.

Pinasalamatan ni Bishop Occiano ang Caritas Virac, mga pari, at ang Municipal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMO/PDRRMO), gayundin ang iba pang institusyon, dahil sa pagkakaisa, mabilis na pagtugon, at walang kapagurang paglilingkod sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Ayon kay Bishop Occiano, ang bukas-palad na pagtulong, mula sa pagbubukas ng mga pasilidad ng parokya bilang evacuation centers hanggang sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan, ay patunay ng diwa ng Kristiyanong pagkakawang-gawa at tunay na pakikiisa.

“Your unity in action—reaching out to the vulnerable, responding swiftly to urgent needs, and working hand in hand—has been a true witness of Christian charity and genuine synodality,” pahayag ni Bishop Occiano.

Kasabay nito, nanawagan ang obispo ng panalangin para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo, na pagkalooban ng Panginoon ng lakas, ginhawa, at pag-asa upang muling makabangon.

Binigyang-diin din ni Bishop Occiano ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng sambayanan, habang muling isinasaayos ang mga buhay at pamayanan.

“In every storm, may we see the light of Christ guiding us to care for one another as one family of God,” ayon kay Bishop Occiano.

Batay sa tala ng diyosesis, 11 parokya at mission stations ang nagsilbing kanlungan at nagkaloob ng tulong sa 76 pamilya at 454 indibidwal.

Samantala, hinikayat ng diyosesis ang mga mananampalataya na magbahagi ng tulong para sa mga higit na naapektuhan ng Bagyong Opong sa Diyosesis ng Masbate sa pamamagitan ng isasagawang second collection sa lahat ng Misa bukas, Linggo, September 28, at sa inilunsad na donation drive ng Caritas Virac.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 94,842 total views

 94,842 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 116,952 total views

 116,952 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 191,569 total views

 191,569 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 188,327 total views

 188,327 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top