YSLEP graduates, hinimok ni Cardinal Advincula na tularan si San Vicente de Paul

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,982 total reads

Nagpasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa 500 Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) graduates sa Kairos and Annual Recognition 2025 nang Caritas Manila.

Sa pagninilay ng Arsobispo ng Maynila na siyang Chairman ng Board of Trustees ng Caritas Manila ay hinimok niya ang mga bagong nagsipagtapos na huwag kalimutan ang pagpapakumbaba at ipagpatuloy ang adbokasiya ng pagtulong sa simbahan, komunidad, at kanilang pamilya.

pinaalalahanan ni Cardinal Advincula ang mga scholars na tularan si San Vicente de Paul, upang isabuhay ang diwa ng pagkakawanggawa kasunod ng pagkilala rin ng Arsobispo sa kanilang pagsusumikap, sakripisyo, at pagtitiyaga upang makapagtapos sa kolehiyo.

“Ang pagiging scholar ay hindi lamang para sa sarili, ito ay pagkakataon na gamitin ang inyong talino, sipag at tapang upang makatulong sa simbahan, komunidad at pamilya,” ayon sa pagninilay ni Cardinal Advincula.

Tiniyak ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascul ang patuloy na paggabay sa mga YSLEP Scholars hindi lamang sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral hanggang maging maayos ang pamumuhay.

Pinasasalamatan din ni Fr.Pascual ang pakikiisa ni Senate Committee on Science and Technology Chairman Senator Bam Aquino sa Kairos.

Kinilala ni father Pascual ang pagsusulong ng Senador sa kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral at pagiging donor ng Caritas Manila.

“Magpasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng pagtatapos muli ng another batch, batch ’25 ng Caritas Manila YSLEP – Youth Servant Leadership and Education Program, ito po ang scholarship program ng Caritas Manila na kung saan hinuhubog natin ang mga kabataan na hindi lang magtapos ng kolehiyo at TechVoch ngunit lumaging sa pagiging Servant Leaders, maging lingkod ng Panginoon, ginagabayan sila for four years na magkaroon ng personal discipline, moral integrity and social responsibility, Salamat po kay Senator Bam Aquino na matagal ng Donor ng Caritas Manila at nagsusulong ng edukasyon para sa kabataan sapagkat alam natin education is a great social equalizer, more than 500 po ang nag-graduate sa Archdiocese of Manila sa taong ito, batch 2025,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

Ginanap ang Kairos sa Makati Coliseum kung saan bukod sa mga scholars ay naging katuwang din ng Caritas Manila ang mga kawani ng mga parochial social service development ministry.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 10,813 total reads

 10,813 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 98,296 total reads

 98,296 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 145,036 total reads

 145,036 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 192,908 total reads

 192,908 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 296,504 total reads

 296,504 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top