Bishop Pabillo, hinirang na Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila ni Pope Francis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila habang wala pang itinalagang kapalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle.

Si Bishop Pabillo, ang kasalukuyang katuwang na obispo ng Maynila at chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity at Sangguniang Layko ng Pilipinas.

Batay sa pahayag ng The Manila Cathedral, tutukuyin sa lahat ng mga Misa partikular sa Eucharistic prayer si Bishop Pabillo bilang Broderick na aming Tagapangasiwa o Administrator.

Si Bishop Pabillo ay itinalaga bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese ng Manila noong ika – 24 ng Mayo 2006.

Si Bishop Pabillo na member ng Salesians Priest of Saint John Bosco ay inoordinahang pari ng namayapang Manila Archbishop Jaime Lachica Cardinal Sin noong ika-8 ng Disyembre 1982.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales, Papal Nuncio to the Philippines Cardinal Fernando Filoni at Apostolic Vicariate of Palawan Bishop Pedro Arigo ang consecration ni Pabillo bilang Obispo noong August 19, 2006.

Itinuturing si Bishop Pabillo na isang “Theologian at isang bible scholar” matapos siyang mag-aral sa Pontifical Biblical Institute sa Roma.

Si Bishop Pabillo ay aktibong nakikiisa sa mga usaping panlipunan kabilang na ang pagtatanggol sa karapatang pantao, kalikasan at iba pa noong maging chairman ng CBCP-NASSA.

Siya rin ay bahagi ng Board of Trustees ng Philippine Bible Society kaya’t kabilang sa mga adbokasiya ng Obispo ang paghimok sa mananampalataya na magbasa ng bibliya at ipalaganap ang mabuting balita ng Panginoon.

“Fides in Caritate” o Saved by faith ang motto ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,459 total reads

 5,459 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,463 total reads

 92,463 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,836 total reads

 129,836 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 161,097 total reads

 161,097 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,646 total reads

 233,646 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 211,696 total reads

 211,696 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 353,287 total reads

 353,287 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top