Bishop Santos, may tatlong payo sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Binigyang diin ito ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos – Episcopal Coordinator ng World Apostolic Congress On Mercy Asia, sa pagsisimula ng nationwide na Philippine Apostolic Congress on Mercy sa ika-24 hanggang 26 ng Enero sa San Juan City.

Ayon sa Obispo, isang pambihirang pagkakataon ang pagdiriwang ngayong taon ng PACOM dahil kasabay nito na ipinagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ang Year of the Youth bilang tema ng paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Nagbigay si Bishop Santos ng tatlong bagay na mahalagang isa puso’t isip ng mga kabataan, upang tunay na maisabuhay ang Banal na Awa ng Panginoon.

DO NOT BE AFRAID
Aminado si Bishop Santos na dahil na rin sa kapabayaan ng tao ay nasasaksihan na sa kasalukuyan ang hindi mabuting pangyayari sa kalikasan.

Sa kabila nito, hinimok ng Obispo ang mga kabataan na huwag matakot sapagkat nangingibabaw pa rin ang kapangyarihan ng Panginoon kaakibat ng mabubuting gawa ng tao para sa kapaligiran.

“Yung una ay masasabi natin na don’t be afraid. Ating masasaksihan sa kalagayan ng panahon merong mga hindi magandang nangyayari sa ating kalikasan at sa ating kapaligiran at huwag tayong matakot sapagkat mas makapangyarihan ang ating Diyos at tayo’y kan’yang sinasamahan at tayo ay kan’yang susubaybayan.” Pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

DO NOT WASTE YOUR LIFE
Binigyang diin rin ng Obispo na sa gitna ng lumalaganap na imoralidad sa lipunan ay matutuhan nawa ng mga kabataan na kumapit lamang sa pag-ibig ng Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Santos hindi dapat magpadala ang mga kabataan sa tukso ng masamang bisyo, kamundohan, at kaginhawahan na nakukuha sa maling pamamaraan dahil sa bandang huli ay isinasadlak lamang nito ang mga tao sa kalungkutan, kabiguan at pagdurusa.

DO NOT WASTE THE FAITH
Hinimok din ni Bishop Santos ang mga kabataan na huwag mawalan ng pananalig sa Panginoon ngayong tinutuligsa ng marami ang pananampalatayang katoliko.

Sinabi ng Obispo na sa kabila ng pambabatikos ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa simbahan ay hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga mananampalataya na mamamayani pa rin ang katotohanan.

Nilinaw ng Obispo na maraming pamamaraan upang maipagtanggol ng mga kabataan ang Simbahang Katolika sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan nang hindi nakasasakit ng kapwa.

“Ang ipapakita natin una ay ang ating pagtanggap, tinatanggap natin, nakikinig tayo at sa ating pagtanggap at pakikinig, hindi tayo gumagawa ng tahasan na makakasakit at [hindi tayo gagamit ng] matatalim na salita. Ang binibigay pa rin natin ay pang-unawa, pagtanggap at panalangin.” pahayag ni Bishop Santos

Ang Philippine Apostolic Congress on Mercy ngayong 2019 ang ikaapat na beses na pagsasagawa ng pagtitipon.

Idinaraos ito kada tatlong taon kung saan ang mga naunang kongreso ay ginanap sa Lipa City noong 2010, Misamis Oriental noong 2013, at Bacolod City noong 2016.

Kaugnay din nito ang isinagawang pagtitipon na World Apostolic Congress on Mercy na ginanap sa Pilipinas noong 2017, at dinaluhan ng mga mananampalataya at deboto ng Divine Mercy mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 132,943 total views

 132,943 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 257,354 total views

 257,354 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 296,472 total views

 296,472 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 368,653 total views

 368,653 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 317,218 total views

 317,218 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top