Pagbabago sa lipunan at simbahan, nasa kamay ng mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Ito ang hamon ni Panama Archbishop José Domingo Ulloa Mendieta sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa pormal na pagbukas ng ika – 34 na World Youth Day.

Naniniwala ang Arsobispo sa kakayahan ng mga kabataan sa paghahatid ng pagbabago sa pamayanan gamit ang ipinagkaloob na talento ng Panginoon.

“We trust you, we expect much from you, because we are fully convinced that the true champions for the changes and transformations that humanity and the Church require are in your hands, in your capacities, in your vision of a better world,” pagninilay ni Archbishop Mendieta.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na dapat lubusang nakahanda ang mga kabataan na harapin ang hamon sa pamamagitan ng pagninilay at pag-unawa sa pananampalatayang taglay.

Ayon sa Arsobispo, sa pagpapamana ng mga nakatatanda ng mga katuruan ng Panginoon at pagpapaunawa sa mga kabataan ay mapapanibago nila ang kawalang katarungan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

“To assume this great challenge, you must prepare yourselves in conscience knowing your personal, family, social, and cultural history, but above all your history of faith.” pahayag ni Archbishop Mendieta

Samantala, binigyang pagkilala ni Arhcbishop Mendieta ang Mahal na Birheng Maria dahil sa kawalang pag-alinlangan na tumugon sa tawag ng Panginoon na maging ina ng Dakilang Tagapagligtas na si Hesus.

Inihayag ng Arsobispo na ang buhay na pananampalataya ng Mahal na Birhen sa Diyos ang nagbigay kalakasan sa pagiging Ina ng anak ng Diyos Ama.

Pinasalamatan ng Arsobispo ng Panama ang Kaniyang Kabanalan Francisco sa pagtitiwala at pagkakataong maipagdiwang ang World Youth Day sa kanilang lugar.

Umaasa ang Arsobispo na maging daan ng paghilom ang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan sa iba’t ibang uri ng hamon at pagsubok sa buhay na kinakaharap ng mamamayan, mga kabataan at katutubong komunidad.

Kinilala rin ni Archbishop Mendieta ang mga kabataang delegado dahil sa kanilang pakikiisa at pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Buong pusong tinanggap ng Arkidiyosesis ang libu-libong delegado mula sa 140 mga bansa kabilang na ang mahigit 250 Filipinong delegado.

Tiwala ang Arkidiyosesis na maging makabuluhan ang pagtitipon ng mga kabataan na mapalalim pa ang kanilang pananampalataya sa pakikisalamuha sa kapwa kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,542 total reads

 53,542 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,877 total reads

 102,877 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,748 total reads

 150,748 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,697 total reads

 254,697 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,134 total reads

 338,134 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top