Bishop Uy, itinalagang arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,277 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Leon XIV si Tagbilaran Bishop Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong July 16 kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel.

Si Archbishop-designate Uy ang hahalili kay Archbishop Jose Palma makaraang maabot ang mandatory retirement age ng isang obispo na 75 taong gulang noong March 19, 2025 makalipas ang 14 na taong paninilbihan sa arkidiyosesis.

Tubong Ubay, Bohol ang bagong arsobispo at nagtapos ng kanyang philosopy sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City, theology naman at master’s degree ng pastoral ministry sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City habang licentiate ng sacred theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City.

Inordinahan si Archbishop-designate Uy noong 1993 sa Diocese of Talibon at ginampanan ang iba’t ibang tungkulin sa diyosesis.

Noong 2002 hanggang 2006 nagtungo ng Roma ang arsobispo at nagtapos ng doctorate in sacred theology sa Pontifical Gregorian University.

Matatandaang OCtober 2016 nang italaga ni noo’y santo papa Pope Francis si Archbishop designate Uy bilang obispo ng Tagbilaran kahalili sa nagretirong si Bishop Leonardo Medroso.

January 5 nang gawaran ng episcopal ordination ang obispo sa pangunguna ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle na noo’y arsobispo ng Manila at iniluklok sa cathedra ng Tagbilaran January 6, 2017.

Ipapastol ni Archbishop designate Uy ang humigit kumulang limang milyong kawan ng buong lalawigan ng Cebu katuwang ang 375 diocesan priests at 278 religious priests sa mahigit 170 mga parokya.
Kasunod nang appointment nasa limang ecclesiastical territory ang sede vancate sa Pilipinas ang Boac, Kalibo, San Jose sa Nueva Ecija, Tabuk at ang Tagbilaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 16,961 total views

 16,961 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 37,942 total views

 37,942 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 60,370 total views

 60,370 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 233,968 total views

 233,968 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 210,453 total views

 210,453 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top