VeritasPH

The Word, The Truth

 576 total views

Homiliya para sa ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 21 Agosto 2022, Luk 13:22-30

Ang ebanghelyo natin ay tungkol sa simula ng biyahe ni Hesus patungong Jerusalem kaya ang title ng homiliyang ito ay TRIP TO JERUSALEM. Dito sa atin, ang “trip to Jerusalem” ay isang game na nilalaro sa mga party. Ewan ko kung sino ba ang nang-imbento ng laro na ito at kung bakit ba ito tinawag na “trip to Jerusalem.”

Sa larong ito, kailangan ng 12 katao, tatayong nakapalibot sa 11 upuan na inayos na pabilog. Kapag nagsimula na ang tugtugan, pasasayawin sila habang umiikot sa mga upuan hanggang biglang titigil ang musika at pauupuin sila. Dahil kulang ng isa ang mga upuan, mag-uunahan sila at ang hindi makaupo ay talo, eliminated na siya. Sa bawat round of elimination, babawasan din ng isa ang mga upuan at uulitin na naman ang musika, pasasayawin na naman sila, at sa muling pagtigil ng tugtugan mag-uunahan na naman sila para maulit na naman ang elimination ng sinumang hindi makakuha ng upuan. Uulit-ulitin ito hanggang dalawa na lang ang contestants at isa na lang ang upuan at ang unang makaupo dito pagtigil ng musika ang siyang panalo.

Dahil ang alam kong trip to Jerusalem ay ang biyahe ng Panginoong Hesukristo na humantong sa pagbubuwis niya ng buhay para sa ating katubusan, nagtataka ako kung bakit tinawag na Trip to Jerusalem ang larong ito. Parang mas bagay na tawaging Trip to Hell, o biyaheng impyerno. Kasi ang sikreto ng pagpanalo ay unahan, tulakan, at gitgitan. Walang iniisip kundi ang maunang makaupo, ma-eliminate ang iba, hanggang sa mag-isa ka na lang at ikaw ang mananalo sa premyo. Matira ang matibay, kumbaga. Hindi prinsipyong tao kundi udyok ng pagkahayop.

Sa ebanghelyong binasa natin, habang nagbibiyahe daw ang mga alagad papuntang Jerusalem, may nagtanong kay Hesus, “Totoo bang kakaunti lang ang maliligtas?” Palagay ko ang tanong na ito ang naging inspirasyon para sa larong TRIP TO JERUSALEM. Ang nagtatanong ay parang contestant na kumpyansa na siya ay mapapabilang sa mananalo at magkakamit ng premyo.

Ang ganitong mentalidad ang sinalungat ni Jesus sa kanyang mga kababayan. Ang pag-aakala na porke’t sila’y “chosen people” o bayang pinili ng Diyos at anak at apo ni Abraham ay sigurado na ang kanilang kaligtasan. Sa ating first reading, narinig natin na sinalungat din pala ng propeta Isaias ang ganitong mentalidad. Sa orakulong binigkas niya, darating daw ang panahon na titipunin ng Diyos ang lahat ng mga bansa, hind lang ang Israel. Pagkakaisahin sila at gagabayan daw isang “trip to Jerusalem”, patungo sa sagradong bundok upang makibahagi sa kadakilaan ng kanyang kaharian. Hindi elimination ang hangad ng Diyos kundi “inclusion”. Hindi niya kalooban na mabawasan kundi ang madagdagan ang kanyang bayang pinili. Magiging bukas para sa lahat.

Sa ating second reading, sinasabi ng manunulat na huwag daw kalilimutan ng ang paalala ng Diyos sa kanila bilang mga “anak”. Ang mga anak na tinutukoy ay mga miyembro ng bayang Israel, mga anak at apo ni Abraham, ng bayang pinili ng Diyos. Dahil nga kasi kung minsan, kung umasta sila ay parang mga batang laki sa layaw na masyadong adelantado, masyadong kampante na sila’y papaboran ng Diyos. Paalala niya, dahil nga sila’y tinuturing niyang mga anak niya, sila ay sasawayin o didisiplinahin ng Diyos para matuto.

Hindi naman tinawag ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob upang sila lang ang makinabang sa pagpapalang kaloob ng Diyos sa daigig. May misyon sila. Pinagpala sila upang sa pamamagitan nila ay makaabot sa buong daigdig ang pagpapala ng Diyos. Ito ang temang inulit-ulit natin noong 2021 na ipagdiwang natin ang 500th year of Christianity: “Gifted to give; blessed to be a blessing.” Hindi pa tayo Kristiyano kung ang kaligtasang hangad natin ay para sa atin lamang. Ang maging Kristiyano ay ang makiisa sa buhay at misyon ni Kristo, para sa katubusan, hindi lang ng iilan kundi ng buong daigdig.

Ang ganitong diwa ng misyon ang dala-dala ng ating mahal na patron na si San Exequiel Moreno nang mapadpad siya sa atin dito sa Pilipinas bilang isang Misyonerong Recoleto. Iniwan niya ang kanyang bayan sa Espanya at dito sa atin nagmisyon—sa Iloilo, sa Maynila, sa Mindoro, sa Puerto Princesa. Pinag-aralan niyang mabuti ang Tagalog upang maipahayag ang Mabuting Balita sa mga katutubo sa paraang maiintindihan nila.

Bumalik siya sandali sa Espanya para maging superior ng kanilang Mother Community sa Monteagudo, pero naglakbay na naman bilang misyunero patungong Colombia at doon siya ay ginawang obispo. Iyon ang kanyang last trip to Jerusalem, kumbaga. Hindi biyaheng ang layunin ay pansarili. Hindi biyaheng unahan, tulakan o gitgitan, kundi biyaheng naghahatid ng mabuting balita, naghahanap ng mas maraming maiuupo sa mga luklukan ng kaharian ng Diyos.

Si Papa Francisco, madalas niyang banggitin ang layunin na mapalakas na muli ang “sense of mission” ng simbahan. Lagi niyang hinahamon ang mga Katoliko, lalo na ang mga parokya na lumabas at magmisyon sa mga nasa laylayan ng lipunan, at huwag maging kampante na lang sa iilan na pumapasok sa ating mga simbahan.

Nasabi ni Hesus sa ebanghelyo, marami daw ang manggagaling sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog na makikisalosa hapag-kainan ng kaharian ng Diyos. At ang mapapabilang ay hindi iyung mga nag-aakalang sila lang ang maliligtas, na ang kaharian ay esklusibo para sa kanila lamang. Baka nga pag kumatok daw sila sa pintuan ay masabihan sila, “Hindi ko kayo kilala.” Bakit, dahil hindi nila alam ang pinagdaaanan ng mga dumanas ng hirap, gutom, sakit, pagkabilanggo. Ito ang sinasabi niyang makipot na daan na dapat nilang matutunang daanan. At sa dulo ng pagbasa, ang sabi niya, “Ang mga nagpapauna ay mahuhuli; ngunit ang mga nahuhuli ay mauuna.”

Siguro dapat baguhin ang larong TRIP TO JERUSALEM. Imbes na unahan sa pag-upo, pagtugtog ng musika, ang magpaparaya at magbibigay ng upuan sa mga mahihina ay magkakamit ng ekstrang upuan. Imbes na mabawasan, madadagdagan nang madadagdagan ang mga upuan upang ang lahat ay makaupo sa hapag kainan ng kaharian ng Diyos. Ganito naman kasi ang ipinangako ng Diyos sa kanyang mga alagad sa Mateo 19:28, “Sinasabi ko sa inyo, darating ang araw na babaguhin ng Dios ang mundo, at ako, ang Anak ng Tao, ay uupo sa aking trono. At kayong mga tagasunod ko ay uupo rin sa labindalawang trono upang husgahan ang labindalawang lahi ng Israel.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 3,986 total views

 3,986 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 19,972 total views

 19,972 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,017 total views

 28,017 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,097 total views

 33,097 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 38,803 total views

 38,803 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,674 total views

 2,674 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,090 total views

 7,090 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,416 total views

 2,416 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,939 total views

 2,939 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,438 total views

 4,438 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,282 total views

 5,282 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,537 total views

 3,537 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,750 total views

 7,750 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,983 total views

 6,983 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,195 total views

 11,195 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,643 total views

 4,643 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,647 total views

 4,647 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,647 total views

 4,647 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,639 total views

 4,639 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,639 total views

 4,639 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top