Biyayang natatanggap, nagiging makabuluhan kapag ibinabahagi sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,229 total views

Nagiging makabuluhan ang biyayang natatanggap mula sa Panginoon kung ito ay nagagamit sa mabuting paraan.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, ang pagkakawanggawa ay katangian ng Panginoon kung saan hinihikayat ang bawat isa na maging bahagi sa pagtulong sa kapwa.

“Ang pagkawanggawa o charity ay likas na katangian ng Diyos na siyang hamon sa Lahat ng tao. Tunay na nagiging ganap Ang ating pagkatao kapag tayo ay nabubuhay sa iba at hindi sa sarili,” ayon sa mensahe ni Fr. Pascual sa paggunita ng International Day of Charity na ipinagdiriwang tuwing September 5.

Ang Caritas Manila ay ang social arm ng Archdiocese of Manila na nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad hindi lamang sa Manila kundi maging sa ibang panig ng bansa, kabilang na dito ang pagtugon sa mga biktima ng bagyong Yolanda at lindol sa Visayas.

Bahagi rin ng adbokasiya ng Caritas Manila ang disaster preparedness para magkaroon ng kaalaman ang mga nasa calamity and disaster prone areas na paghandaan ang mga posibleng kalamidad.

Ayon kay naman kay Fr. Ric Valencia- minister ng Archdiocese of Manila on Disaster and Management Ministry, sa pamamagitan ng pagtulong ay nagiging katuwang ang bawat isa para ibsan ang hirap na nararanasan ng mga biktima ng kalamidad at maging ang mga biktima ng digmaan.

On Marawi crisis

Sinabi ni Father Valencia na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan at suporta sa mga taga-Marawi lalut hindi pa natatapos ang giyera.

Una na ring nagpadala ng P1 milyon ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa mga evacuees.

“Patuloy pa rin po ang ating relief operation dahil may kaguluhan pa doon. Habang hindi natatapos hindi natin masisimulan ang rehabilitation at development ng lugar. Kaya’t naka-focus ang mga efforts sa pagtulong sa mga nangangailangan pagdating sa unang pangangailangan, pagkain, at gamot,” ayon kay Fr. Valencia.

Ang Caritas Manila ay nakakatutok sa home based-internally displaced persons.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) may 38 evacuation centers para sa mga lumikas na residente na matatagpuan sa Iligan City, Balo-i, Pantar, Pantao Ragat at Cagayan de Oro City – habang may 200 libo katao naman ang mga home based IDP’s na nakikituluyan sa kanilang mga kamag-anak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 62,890 total views

 62,890 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 86,049 total views

 86,049 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 107,323 total views

 107,323 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 273,520 total views

 273,520 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top