614 total views
Ang pagtulong sa sektor ng manggagawa ang kinakailangan upang makabangon ang naluluging ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ang liham apela Atty. Luke Espiritu – Pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na ipinadala kay Department of Labor and Employment Secretary Bienvinido Laguesma upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa bunsod ng patuloy na pagtaas ng inflation at unemployment rate.
“The only way out of this crisis is to take care of those who are at the bottom, not those who are on top, and by taking care of those who are at the bottom we are now building a strong foundation for economic recovery.” pahayag ni Espiritu sa Radio Veritas
Laman ng liham ang apela na itaas ang minimum wage ng mga manggagawa, pagbuwag sa kontrakwalisasyon, pagpapatibay ng mga polisyang magbibigay proteksyon sa mga trade unions at pamamahagi ng ‘Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers’ o TUPAD Program.
“Ang ating mga manggagawa sa loob ng pagawaan ay wala pang security of tenure, how can they now negotiate sa kanilang management kung anong tamang level of wage na base naman sa productivity noong isang kompanya – This are long standing demand because our government.” ayon pa kay Atty Espiritu.
Naunang ipinahayag ni Olivier De Schutter – United Nations Special Rapporteur on Extreme Poverty na dapat tiyakin ng bawat pamahalaan na nakakasabay sa inflation rate ang suweldo ng mga manggagawa sa buong mundo.
Noong Setyembre 2022 ay naitala Philippine Statistics Authority ang 6.9% na inflation rate na pinakamataas sa loob ng 4-taon habang umabot naman noong August 2022 ang 2.68-million na unemployment rate.
Patuloy din ang hamon sa pamahalaan ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na lumikha ng mga polisiyang tutulong na mapabuti ang estado ng pamumuhay ng mga pinaka-nangangailangan.