Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hamon kay Secretary Remulla

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Mga Kapanalig, taong 2019 noon at nagsisilbi pang kongresista ng Cavite si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla nang ihatintulad niya sa mga ipis ang mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot, partikular na ang mga drug lords. Para daw silang mga ipis na hindi maubus-ubos. Kaya’t upang matapos na ang paghahasik nila ng lagim sa lipunan, iminungkahi niya ang pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty.

Ibinabalik ngayon ng ilan ang mga salitang ito kay Secretary Remulla matapos mahulihan kamakailan ng mahigit isang milyong pisong halaga ng high-grade marijuana ang kanyang panganay na anak. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas nang mahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA) ang 38-taong-ulang na si Juanito Jose Diaz Remulla III. Tila ba mapagbiro ang mga pangyayari dahil naganap ang paghuli sa nakababatang Remulla habang nasa Switzerland ang kanyang ama upang ipagtanggol sa United Nations Human Rights Council ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Nakita naman natin kung gaano karahas ang kampanya laban sa iligal na droga at kung paano nito isinantabi ang karapatang pantao ng mga kababayan nating pinaghihinalaan lamang na gumagamit ng droga. Sa datos na ipinasa sa International Criminal Court, sinasabing nasa pagitan ng 12,000 at 30,000 ang namatay sa unang tatlong taon ng kampanya. Kabilang dito ang mga napatay (o pinatay) ng mga pulis dahil nanlaban umano. Marami rin ang mga pinatay ng vigilante na sinasabing may kaugnayan din sa awtoridad. At malalim din ang sugat na iniwan sa mga pamilya ng mga hinuli at ikinulong nang hindi sa kaparaanan ng batas. Libu-libo ang nagtitiis hanggang ngayon sa siksikang mga kulungan dahil hindi umuusad ang mga kasong isinampa sa kanila.

Lahat ng ito, masuwerteng hindi naranasan ng anak ni Justice Secretary Remulla.

Walang dapat naghahangad na maranasan ng sinuman ang sinapit ng mga kababayan nating pinagkaitan ng karapatang maipagtanggol ang kanilang sarili. Walang dapat may gustong magdusa ang mga pamilya ng mga nagkakasala sa batas. Walang pagpapakatao sa pagsingil sa buhay ng kanilang kapwa bilang paraan ng paghihiganti.

Kaya naman, maging aral sana ang nangyaring ito sa kalihim ng DOJ sa atin—lalo na sa ating mga lider—na karahasan at kalupitan ang laging nakikitang solusyon sa mga problemang kinakaharap natin. Nalulungkot tayo sa nangyari sa pamilya ng isa sa mga masugid na nagtutulak ng war on drugs at death penalty, ngunit sana ay maging wake-up call, ‘ika nga, ang pangyayaring ito upang tunay na kilalanin ng mga nasa pamahalaan ang dignidad ng buhay ng tao, kahit ang buhay ng mga nagkakasala sa batas. Nawa’y gamitin ng mga nasa gobyerno ang kanilang posisyon upang isulong ang pagbabagong-buhay ng mga nasasangkot sa krimen, hindi ang pagpapahiya, pagpapahirap, o pagpatay sa kanila. At higit sa lahat, bilang mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng lahat ng mamamayan, tiyakin sana nilang ang batas ay patas sa lahat, anuman ang katayuan nila sa buhay o antas sa lipunan.

Kung hindi man bumitiw sa puwesto si Secretary Remulla, gaya ng ipinapanawagan ng ilan, samantalahin sana niya ang pagkakataong ito—masakit man para sa kanya at sa kanyang pamilya—upang maging tunay na kampeon ng katarungan. Gamitin niya ang kanyang katungkulan upang panagutin ang mga nasa likod ng mga pagpatay sa ngalan ng madugong war on drugs. Pabilisin niya ang pagdinig sa mga kaso ng mga nakakulong at nawalay sa kanilang pamilya. Kalingain niya ang mga naulilang pamilya at mga nakasaksi ng karahasan. Wika nga sa Isaias 1:17, “pairalin ang katarungan; tulungan ang naaapi; ipagtanggol ang mga ulila, at tulungan ang mga biyuda.”

Mga Kapanalig, ito ang mas malaking hamon ngayon sa ating justice secretary.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 903 total views

 903 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,596 total views

 9,596 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 24,364 total views

 24,364 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 31,487 total views

 31,487 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,690 total views

 38,690 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 904 total views

 904 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,597 total views

 9,597 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 24,365 total views

 24,365 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 31,488 total views

 31,488 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,691 total views

 38,691 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,692 total views

 43,692 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,393 total views

 43,393 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,727 total views

 35,727 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,307 total views

 75,307 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,861 total views

 82,861 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,744 total views

 78,744 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,291 total views

 90,291 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,398 total views

 94,398 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,295 total views

 71,295 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,263 total views

 71,263 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top