VeritasPH

The Word, The Truth

Bokasyon ng mga abogado

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Mga Kapanalig, isang mapagpala at maligayang Pasko ng pagkabuhay sa ating lahat! Ang ating Panginoong Hesus na ipinako sa krus alang-alang sa ating mga kasalanan ay muling nabuhay! Sa gitna ng kawalang katiyakan at habang ang ating mga puso ay balót ng takot at pangamba, nawa’y makahango tayo ng pag-asa mula sa muling pagkabuhay ni Hesus.

Isa sa mga nakaranas ng matinding takot at pangamba nitong nakalipas na mga taon ay ang mga kumuha ng makasaysayang 2020/2021 Bar exams. Noong nakaraang linggo, inilabas ng Korte Suprema ang listahan ng mga nakapasá—sa mahigit labing-isang libong nakakumpleto ng dalawang araw na exams, 8,241 sa kanila ang magiging mga bagong abogado. Katumbas ito ng 72% na passing rate na maituturing na mataas sa gitna ng mga pagbabagong ipinatupad bunsod na rin ng nagpapatuloy na Covid-19 pandemic. Tinawag ngang “pandemic batch” ang mga kumuha ng Bar exams, at tunay na kahanga-hanga ang kanilang pagpupursiging mag-review habang may banta sa kalusugan hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati sa kanilang mga kasama sa bahay.

Bilin ni Associate Justice Marvic Leonen, ang chairperson ng 2020/2021 Bar, sa mga bagong abogado: harapin nila ang kanilang tagumpay nang may kagandahang-loob at kapakumbabaan. Paalala pa niya, patuloy ang pagdurusa ng ating mga kababayan, at nakabibingi ang panawagan nila para sa katarungan. Isabuhay daw sana ng mga bagong abogado ang pagmamalasakit, paglilingkod sa kapwa, at pagtataguyod ng katarungan.

Ganito rin ang ating hangarin hindi lang para sa mga bagong abogado kundi para sa mga nasa ibang propersyon katulad ng mga doktor, nars, guro, inhinyero, pulis, mamamahayag, at mga negosyante. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, hinihikayat tayo ni Pope Francis na linangin ang tinatawag niyang “culture of encounter”, isang kulturang nakikipagtagpo sa ating kapwa. Ang kulturang ito ay hindi lamang isang ideya. Ito ay binubuo ng ating mga pinapangarap, ng ating mga ninanais, at ng uri ng pamumuhay na pinipili natin. Paalala ng Santo Papa, dapat tayong maging masigasig sa pagkikipagtagpo sa ating kapwa—naghahanap ng mga bagay na maaaring pagsimulan ng ating ugnayan sa kanila, nagtatayo ng tulay at nagsisilbing tulay din sa isa’t isa, at nagsisimula ng pagkilos para makamit natin ang mga hangarin natin nang magkakasama.

Ang mga propesyunal, katulad ng mga abogado, ay may natatanging tungkulin sa pagbubuo ng ganitong uri ng kultura. Sabi pa nga ni Pope Francis sa isa pang Catholic social teaching na Lumen Fidei, sa maraming bagay sa ating buhay, pinagkakatiwalaan natin ang ibang mas marunong o mas may nalalaman kaysa sa atin, at ginawa niyang halimbawa ang mga abogadong nagtatanggol sa atin sa korte.

Ang mga tinatawag sa bokasyong maglingkod sa publiko, katulad ng mga abogado, ay dapat ginagabayan ng pagkilala sa dignidad ng tao at sa kabutihang panlahat o common good. Hindi sapat ang pagkakaroon ng mga batas (dahil may mga pagkakataon ding hindi patas ang mga ito sa ilang tao). Ang kailangan ay ang pagsasanay sa mga responsable at marurunong na tao upang tunay na maisabuhay ang nakasaad sa batas. Putting the laws into practice, ‘ika nga sa Ingles. Mahalaga rin ang mga abogadong handang kuwestiyunin ang mga batas at patakarang salungat sa layuning protektahan ang dangal at karapatan ng mga tao, at maraming ganitong batas sa Pilipinas, hindi po ba? Kung walang mahuhusay na abogado, walang titindig na ituwid ang mga baluktot, walang maghahangad na itama ang mga mali at kasinungalingan.

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang ating mga bagong abogado. Isabuhay sana nila ang nasasaad sa Mga Kawikaan 31: 8-9: “Ipagtanggol mo ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 809 total views

 809 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,345 total views

 8,345 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,331 total views

 24,331 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,376 total views

 32,376 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,456 total views

 37,456 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 810 total views

 810 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,346 total views

 8,346 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,332 total views

 24,332 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,377 total views

 32,377 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,457 total views

 37,457 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,881 total views

 42,881 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,667 total views

 44,667 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,592 total views

 41,592 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,906 total views

 55,906 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,596 total views

 59,596 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,199 total views

 58,199 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,186 total views

 68,186 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,154 total views

 72,154 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,041 total views

 83,041 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,480 total views

 95,480 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top