Botante, iniimbitahan ng CEAP sa 2022 election engagement webinar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Ang pagsusulong ng ‘engaged citizenship’ para sa pagkakaroon ng ganap na pagbabago sa lipunan ay bahagi ng misyon ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na nakapaloob sa Catholic Social Teaching at ganap na pagsasabuhay ng pananampalatayang Kristiyano.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Karel San Juan, SJ – chairperson ng National Advocacy Commission ng CEAP kaugnay sa webinar series ng CEAP bilang paghahanda sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Pari na siya ring Region IX Trustee ng CEAP at Pangulo ng Ateneo De Zamboanga University , bahagi ng layunin ng CEAP’s 2022 Election Engagement ang higit na maisulong ang pagpapahalaga sa common good sa pamamagitan ng pagsusulong sa demokrasya ng bansa.

“Part of the mission of CEAP is the promotion of engaged citizenship towards social transformation, this is part of the Catholic Social Teaching and is integral to living out our Catholic Christian faith and vocation. As Catholic teachers, administrators, staffs and students we envision a society that cares for the common good and upholds the democratic way of life hence doing something for the upcoming elections next year 2022 is essential to our school communities.” pahayag ni Fr. San Juan

Ipinaliwanag ng Pari na sadyang napakahalaga ng nakatakdang halalan sa susunod na taon para sa kinabukasan at demokrasya ng bansa kaya naman naaangkop lamang na maunawaan ng taumbayan ang kagalagahan ng boto ng bawat isa at matalinong pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal na mga opisyal ng bayan.

Pagbabahagi ni Fr. San Juan, layunin ng webinar series ng bahagi ng CEAP’s 2022 Election Engagement na maibahagi sa bawat isa partikular na sa mga kabataan ang mahalagang konteksto ng nakatakdang halalan upang mahikayat ang bawat isa na makibahagi at aktibong makilahok hindi lamang sa nakatakdang eleksyon kundi sa iba pang mga usaping panlipunan.

“The election is a critical event that upholds democracy, our participation in it is a basic human right and through it we choose leaders whom we believe will care for the common good. The two webinars will provide opportunities for us to listen, to think, to discern and to act, they will provide the context and the challenges, the opportunities and constrains, the ways and options for us to participate meaningfully.” Dagdag pa ni Fr. San Juan.

Naganap ang unang serye ng CEAP’s 2022 Election Engagement webinar series noong ika-16 ng Agosto, 2021 na may titulong titulong Vote, Pray, and Love: The Meaning and Power of Our Vote habang nakatakda naman sa ika-23 ng Agosto, 2021 ganap alas-nuebe y medya ng umaga ang ikalawang serye nito na may titulong Tender Love n’ Citizenship: Ways to be Involved in the 2022 Elections.

Maaaring makibahagi sa CEAP’s 2022 Election Engagement webinar series sa pamamagitan ng pagsubaybay sa livestreaming ng gawain sa Facebook page at YouTube channel ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top