Cardinal Advincula, nag-alay ng panalangin sa kaligtasan ng mga taga-Afghanistan

SHARE THE TRUTH

 343 total views

Ipinapanalangin ng Archdiocese of Manila ang mga mamamayan ng Afghanistan na nakaranas ng kaguluhan dahil sa sigalot ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, dalangin nito ang pagkakaroon ng malawak na kaisipan ng magkabilang panig tungo sa pakikipag-usap upang maiwasang lumala ang sitwasyon sa lugar.

“Katulad ng panawagan ni Pope Francis, nakiki-isa ang buong Archdiocese of Manila sa panalangin para sa mga kapatid natin sa Afghanistan, lalong-lalo na sa mga kapatid nating mga Kristiyano. Nawa ay isasantabi ang dahas at karahasan bagkus ay maging bukas ang pag-iisip ng lahat ng panig at magkaroon ng dialogue na siyang tanging daan ng pagkakaisa at kapayapaan,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Matatandaang sumiklab ang kaguluhan sa Afghanistan makaraang sakupin ng Taliban fighters ang Kabul at pasukin ang Afghan Presidential Palace noong Agosto 15, 2021.

Agad na nilisan ni Afghanistan President Ashraf Ghani at iba pang opisyal ng bansa kasama na ang mga opisyal ng embahada ng Amerika sa Afghanistan.

Batay sa kasaysayan 2001 nang salakayin ng Amerika ang Afghanistan upang alisin ang Al Qaeda terrorist na responsable sa pang-atake sa twin tower ng Amerika noong Setyembre ng parehong taon.

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan ng mamamayan at mangibabaw ang pagpapahalaga sa buhay ng tao.

“Nawa ay mapangalagaan ang kaligtasan at karapatan ng bawat isang tao,” ani Cardinal Advincula.

Bukod dito nag-alay din ng panalangin si Cardinal Advincula para sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa Haiti kung saan ayon sa UNICEF nasa 1.2 milyong katao ang apektado.

Hiling nito sa Panginoon ang kaliwanagan ng puso at isip ng mamamayan na nahaharap sa matinding krisis sa kasalukuyan.

 

Panalangin ng pakikiisa sa Haiti at Afghanistan

Diyos ng pag-ibig at kapayapaan,
itinataas po namin sa iyo
ang mga kapatid namin sa Haiti
na dumaranas ng paghihirap dahil sa lindol.
Itinataas din po namin sa iyo
ang mga kapatid namin sa Afghanistan
na dumadaan sa matinding krisis.
Ingatan mo po sila sa lahat ng pangamba at panganib.
Bigyan mo ng liwanag ang kanilang isip at puso
upang hanapin ang daan patungo sa ikabubuti ng lahat.
Sa panahong ito ng pangangailangan,
magtulong-tulong nawa ang mga bansa
upang matamo ang hinahangad na kapayapaan.
Amen

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 22,573 total views

 22,573 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 27,991 total views

 27,991 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 34,698 total views

 34,698 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 49,495 total views

 49,495 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 55,651 total views

 55,651 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 1,502 total views

 1,502 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 2,681 total views

 2,681 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 11,580 total views

 11,580 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 12,103 total views

 12,103 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 12,204 total views

 12,204 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 15,848 total views

 15,848 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 17,215 total views

 17,215 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 17,461 total views

 17,461 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 23,290 total views

 23,290 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 25,874 total views

 25,874 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 25,743 total views

 25,743 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 25,423 total views

 25,423 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pray for Taiwan, paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino

 26,229 total views

 26,229 total views Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng mamamayan ng Taiwan kasunod ng 7.2 magnitude na lindol nitong April 3. Tiniyak ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants’ and Itinerant People Vice Chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa mga biktima ng lindol lalo na sa mahigit 100-libong Filipino migrants sa lugar.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith tourism, palalakasin ng Diocese of Legazpi

 25,608 total views

 25,608 total views Palalawakin ng Diocese of Legazpi ang faith tourism sa lalawigan ng Albay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan. Ito ang tiniyak ni Bishop Joel Baylon sa nalalapit na pagdiriwang ng Magayon Festival kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Biheng Maria o Inang Magayon bilang babaeng puspos ng biyaya at pagpapala ‘Tota pulchra es,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top