Cardinal Tagle, pinangunahan ang online Mass ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Ikinagagalak ng opisyal ng Vatican na sa kabila ng pandemya ay patuloy na napapakinggan ng sambayanang Kristiyano ang Ebanghelyo ng Panginoon.

Ito ang iniihayag ng Kaniyang Kabunyian, Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation for Evangelization of Peoples, sa pamamagitan ng mga ‘online Mass’ na ginaganap sa Radio Veritas Chapel.

“Salamat na lamang po sa teknolohiya, kahit na kung minsan ay limitado ang ating pagdalo sa Eukaristiya ng presensya. Tayo naman po ay patuloy na nakakaranas ng pagbubuklod bilang sambayanan,” ayon kay Cardinal.

Si Cardinal Tagle ay kasalukuyang nasa bansa para sa isang maigsing bakasyon, makaraang maitalaga ng Santo Papa sa ilang posisyon sa Simbahan na nakabase sa Roma.

Ayon sa Cardinal na sa kabila ng mga limitasyon ay dapat na ipagpasalamat pa rin na may teknolohiyang magagamit upang patuloy na maihatid sa mananampalataya ang ‘Salita ng Diyos’ at maranasan pagbubuklod-buklod kasama ang Panginoon.

Pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isa sa apat na ‘online Healing Masses’ ng himpilan.

Ang Radio Veritas at Facebook page na Veritas846.ph ay nagsasahimpapawid ng apat na Misa kada araw, ito ay tuwing ika-6 ng umaga; ika-12 ng tanghali; ika-6 ng gabi; at ang ika-12 ng hatinggabi sa programang Healing Touch of the Air.

Layunin ng online Masses ang maihatid sa mananampalataya ang ‘Eukaristiya’ lalu na sa panahon ng pandemya na kinakailangan ang pag-iingat upang makaiwas sa pagkahawa mula sa novel coronavirus.

Sa kasalukuyan ay patuloy na umiiral sa National Capital Region ang ‘Enhanced Community Quarantine’ hanggang sa August 20.

Base na rin sa umiiral na panuntunan ng ECQ ay ipinagbabawal ang ‘mass gatherings’ kabilang na ang pagdiriwang ng Misa sa mga parokya.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,036 total reads

 2,036 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,862 total reads

 7,862 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,599 total reads

 45,599 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,869 total reads

 271,869 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,335 total reads

 165,335 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,984 total reads

 258,984 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,037 total reads

 2,037 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top