369 total views
Naniniwala ang Church People – Workers Solidarity na maituturing na criminal negligence sa bahagi ng iba’t ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaan ang mismanagement sa bilyong halaga ng pondo mula sa kaban ng bayan.
Ito ang bahagi ng opisyal na pahayag ng Church People – Workers Solidarity na pinangungunahan ni CWS Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa isinapublikong report ng Commission on Audit (COA) sa ‘unused and misused funds’ partikular na ng Department of Health lalo na ngayong panahon ng pandemya na tinatayang aabot ng Php 67.3 billion COVID-19 funds.
Ayon sa Obispo, higit na mahalagang magamit sa tama at mga naaangkop na programa ang pondo ng kagawaran mula sa kaban ng bayan na maaari sanang makapaglitas ng mas maraming buhay mula sa malawakang krisis pangkalusugan na dulot ng COVID-19.
Bukod dito, naniniwala rin si Bishop Alminaza na malaki sana ang maitutulong ng mga hindi nagamit na pondo ng kagawaran upang matugunan ang economic conditions o pangangailangan ng maraming medical frontliners na pangunahing tumutugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kalusugan at upang mailigtas ang mga mamamayang Pilipino mula sa sakit.
“CWS believes that this mismanagement of billions-worth of public funds constitutes criminal negligence. These funds could have been used to save thousands of lives if only these were translated into meaningful programs during the Covid-19 health crisis. Furthermore, the amount could have at least eased the economic conditions of our frontline health workers,” pahayag ni Bishop Gerardo Alminaza.
Nagpahayag naman ng suporta ang Church People – Workers Solidarity sa planong mass protest ng mga medical frontliners o health workers mula sa pribado at mga pampublikong ospital upang ipapanawagan ang mga pangakong benepisyo ng pamahalaan na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipagkakaloob sa sektor pangkalusugan.
Ayon kay Bishop Alminaza, naaangkop lamang ang planong pagpoprotesta ng Alliance of Health Workers (AHW) upang maipaabot hindi lamang sa mga opisyal ng bayan kundi maging sa taumbayan ang kabiguan ng pamahalaan partikular na ng DOH na ipagkaloob ang benepisyong naaangkop sa halos dalawang taon ng pagsasakripisyo ng mga health workers.
“CWS supports the planned mass protest of a group of health workers from private and public hospitals over DOH’s failure to release their benefits. The planned mass protest by the Alliance of Health Workers (AHW) is just and legitimate in the midst of government’s failure to listen to the grievances of the health sector, which includes meal, transportation, and accommodation allowance, Special Risk Allowance and Active Hazard Duty Pay,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Nasasaad sa isinapublikong report ng COA ang mahigit sa Php 67.3 billion unused or misused COVID-19 funds ng DOH na kinabibilangan ng Php 11.9 billion worth of unused risk allowance and hazard pay; P 1.2 billion unutilized and undelivered equipment; P 2.8 billion idle for infrastructure projects; Php 95 million worth of expired, idle drugs and medicines; Php 4.6 billion unused for public health; Php 65.3 million deficiencies in procurement of assets; nasa Php 557.7 million “excessive and unnecessary” expenditures.
Bukod pa dito ang unused Php3.4 billion na foreign aid para sa Covid-19 response efforts ng DOH noong 2020.