Katatagan at kaligtasan ng health care workers, panalangin ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 833 total reads

Ang mga healthcare workers ang katuwang ng lipunan upang lubusang makamtan ang kagalingan laban sa iba’t ibang karamdaman.

Ito ang mensahe ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos bilang pagsuporta sa mga healthcare workers na ngayo’y nahaharap sa iba’t ibang suliraning dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Bishop Santos, dapat lamang na ipagpasalamat at pahalagahan ang pagsasakripisyo ng mga healthcare workers sapagkat sila ang tumutulong at naghahatid ng lunas laban sa umiiral na pandemyang lubos nang nagpapahirap sa marami.

“Our healthcare workers are our helping and healing hands. Let us be grateful for their selfless services and saving sacrifices. Let us appreciate how with their time and talents they care for us, comfort us and cure us,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na bilang mabubuting mamamayan, makakatulong na maibsan ang paghihirap ng mga medical frontliners ngayong pandemya sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa mga panuntunan ng IATF upang maiwasan ang pagkahawa at patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“With our obedience to the IATF protocols is our valuable assistance to them. Observing personal hygiene and following medicinal precautionary measures are our collaboration with them to stop the transmission of COVID-19,” ayon sa Obispo.

Dalangin naman ni Bishop Santos na nawa’y patuloy na gabayan ng Poong Maykapal ang mga tagapaghatid ng lunas upang maging matatag at ligtas sa banta ng virus.

“We pray that God will keep them strong, safe and spare from any harm as they serve us with love and responsibility. Our good Lord may deliver them from sickness, cover them with His graces and provide them with their necessary needs,” dalangin ni Bishop Santos.

Samantala, nagpaabot din ng panalangin si Legaspi Bishop Joel Baylon, para sa katatagan at kaligtasan ng mga healthcare workers habang ginagampanan ang mga tungkulin ngayong pandemya.

Hinihiling ng Obispo na nawa ang mga medical frontliners ay patuloy lamang na magtiwala sa pagmamahal at paggabay ng Diyos lalo na sa mga pagkakataong sila’y pinanghihinaan na ng loob at nawawalan na ng pag-asa.

“I offer fervent prayers for their well-being and protection, as well as words of encouragement that they may not lose hope when they feel weak and discouraged, but instead, gather strength from our loving God who never abandons us. In Him alone are we saved,” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Batay sa tala ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na noong nakaraang taon, tinatayang nasa 40-porsyento ng mga private hospital nurses ang nagbitiw bunsod ng mababang sweldo at hindi maayos na sistema sa mga ospital lalo na ngayong pandemya.

Pinangangambahan namang maaari itong magdulot ng labis na kakulangan sa mga healthcare workers sa mga ospital sa bansa na makakatuwang sa pagbibigay-lunas sa mga apektado ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 106,792 total reads

 106,791 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 245,028 total reads

 245,028 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 360,805 total reads

 360,805 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 476,895 total reads

 476,895 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,820 total reads

 243,820 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top