Sangguniang Laiko ng Pilipinas, tiniyak ang suporta at panalangin kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 959 total reads

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang patuloy na suporta at pananalangin para sa bagong misyon ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na matagal na nagsilbing chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity.

Ito ang bahagi ng pagbati ni Bro. Rouquel Ponte – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas kaugnay sa opisyal na pagtatalaga kay Bishop Pabillo bilang bagong pinunong pastol ng bikaryato.

Ayon kay Ponte, makakaasa ang Obispo sa patuloy na suporta at pananalangin ng mga layko para sa ikatatagumpay ng kanyang bagong tungkulin bilang misyunerong Obispo sa Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan.

“We will always assure him that we will always support him in his new role as a missionary bishop to the [Apostolic] Vicariate of Taytay, yun lang po and my prayers will always be for him and the success of his mission, God bless Bishop.” pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi pa ni Ponte, mapalad ang mga mananampalataya ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan sa pagkakaroon ng isang mabuti, mapagmahal at mapag-arugang Obispo sa katauhan ni Bishop Pabillo.

Sinabi ni Ponte na nasaksihan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang hindi matawarang katangian ng pagiging isang mabuting pastol ng Obispo na tuwinang ginagabayan ang bawat isa sa tamang direksyon patungo sa kabanalan sa piling ng Panginoon.

“My dear brothers and sisters in the [Apostolic] Vicariate of Taytay you are very very fortunate to have a very kind and loving bishop, he [Bishop Pabillo] is really a good shepherd and look to him and he will guide you in the right path and he will be a blessing to all of you and your families, may God bless all of you.” Dagdag pa ni Ponte.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay may 22 mga parokya kung saan magsisilbing katuwang ni Bishop Pabillo sa pangangasiwa at paggabay sa buhay espiritwal ng mahigit sa 390-libong mananampalatayang Katoliko ang 37 mga Pari sa bikaryato.

Nakatakda ang installation ni Bishop Pabillo bilang pinunong pastol ng Apostolic Vicariate ng Taytay Palawan sa ika-19 ng Agosto sa St. Joseph Cathedral ganap na alas- nuwebe ng umaga na matutunghayan sa Radyo Veritas Ph Facebook page at mapakikinggan sa Radio Veritas 846.

Pangungunahan ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo matapos na magkaroon ng pagbabago dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region dahilan upang hindi makadalo sa nakatakdang installation sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,813 total reads

 1,813 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 7,381 total reads

 7,381 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 45,168 total reads

 45,168 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 271,438 total reads

 271,438 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 164,904 total reads

 164,904 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 258,570 total reads

 258,570 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top