Buhay ng mga Pilipino ang nakataya

SHARE THE TRUTH

 141 total views

Mga Kapanalig, may kumakalat na biro sa social media tungkol sa pagtugon ng ating pamahalaan sa pandemya ng COVID-19. Kung ang ibang bansa ay nasa phase 1, phase 2, o phase 3 na ng kanilang paglilinang ng bakuna laban sa nakahahawang sakit na ito, ang Pilipinas daw ay nananatili sa face shield.

 


Sa Singapore, dumating na ang unang shipment ng bakunang kanilang inangkat, at uunahin nilang babakunahan ang mga pinakalantad sa sakit katulad ng mga frontline at healthcare workers. Inaasahan nilang mababakunahan ang lahat ng Singaporean sa pagtatapos ng taóng ito. Libre din itong ibibigay sa lahat. Ang Vietnam naman, may sariling vaccine na nililikha, at target nilang ilunsad ito sa kalagitnaan ng taon. Prayoridad ng pamahalaan doong magkaroon ng sarili nilang bakuna upang matiyak na mababakunahan ang halos 100 milyong populasyon ng bansa.

 

Una na ngang nagbakuna ng mga mamamayan nito ang bansang United Kingdom na sinundan naman ng iba pang mayayamang bansa sa Amerika at Europa. Oras ang hinahabol ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa upang iligtas ang kanilang mga mamamayan sa sakit na nakahawa sa 78 milyong katao at bumawi sa buhay ng 1.73 milyong katao sa buong mundo. Kaya naman, sa kanyang Urbi et Orbi noong Pasko, nanawagan si Pope Francis para sa pagkakaisa ng mga bansa upang tiyaking mabibigyan ng bakuna at gamot ang mga nasa mahihirap na bansa.

 

Ang mas nakababahala pa, mayroon na ngayong bagong strain ng virus na sanhi ng COVID-19. Una itong natuklasan sa United Kingdom at kumalat na sa iba’t ibang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, mayroon na rin daw kaso sa Sabah, Malaysia, kaya todo-bantay daw ang pamahalaan sa Jolo, at may mga mungkahi ngang magkaroon na ng travel ban. Ngunit para kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat ikonsidera ang travel ban kung mayroon nang community transmission sa bansang pinagmulan ng bagong coronavirus strain. Nalimutan yata ng kalihim na isinailalim ang UK sa pinatinding lockdown dahil nga kumakalat na ang bagong strain doon. Habang pinag-iispan ng mga lider natin ang pagpigil sa pagpasok ng mga dayuhan sa ating bansa, nagpunta ang DOH secretary sa isang pamilihan upang paalalahanan ang mga mamimili, gamit ang isang metrong yantok, na panatilihin ang physical distancing.

 

Samantala, napag-alaman natin noong isang linggo na may mga sundalo at opisyal ng pamahalaan na ang naturukan ng bakunang gawa mula sa China. Ito ay kahit wala pang inaaprubahang bakuha ang ating Food and Drugs Administration (o FDA). Itinanggi ng kinauukulan noong una na kumpirmahin ang sinabi mismo ni Pangulong Duterte ngunit kalaunan, nalaman nating mga miyembro ng Presidential Security Group at ilang high-ranking officials ng Sandatahang Lakas ang binakunahan. Ang mas nakapagtataka pa, ipinipilit ng pamahaaan ang paggamit ng isang bakunang gawa sa China kahit pa napakababa ng tinatawag na efficacy rate nito at mas mahal ito kumpara sa ibang bakuna na mas mataas ang efficacy rate.

 

Sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan, mapapatanong tayo: talaga bang isinasaalang-alang ng ating mga pinuno ang ating kapakanan? Buhay nating mga Pilipino ang nakatayâ, ngunit bakit may mga detalyeng ngayon lang natin nalalaman? Bakit parang hindi tayo natuto sa pagbabalewala sa travel ban? Bakit nananatili tayo sa mga pangunahing health restrictions sa halip na unahin ang pagkuha ng bakunang epektibo ngunit abot-kaya?

 

Mga Kapanalig, mainam na paalala sa ating mga pinuno ang nasasaad sa Mga Gawa 20:28: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa.” Nariyan ang ating mga lider upang pangasiwaan tayo nang mabuti, at unahin—hindi ang ikompromiso—ang ating kapakanan at kaligtasan.

 

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 25,112 total views

 25,112 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 30,530 total views

 30,530 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 37,237 total views

 37,237 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 52,033 total views

 52,033 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 58,189 total views

 58,189 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 25,113 total views

 25,113 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 30,531 total views

 30,531 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 37,238 total views

 37,238 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 52,034 total views

 52,034 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 58,190 total views

 58,190 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,750 total views

 39,750 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,334 total views

 50,334 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,551 total views

 58,551 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,784 total views

 42,784 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,760 total views

 48,760 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,853 total views

 51,853 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,558 total views

 41,558 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,446 total views

 42,446 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,749 total views

 57,749 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,158 total views

 70,158 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top